Overtime pay habang nasa barko
- BULGAR
- Jun 15, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 15, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay seafarer na matagal nang sumasakay ng mga barkong bumabiyahe internationally. Itong aking huling sakay, medyo kulang ang aming tauhan sa barko kaya minsan ay kahit hindi ko iskedyul ng trabaho ay tinatawag ako para magtrabaho.
Kaming lahat ay naka “on-call” status. Ibig sabihin ay puwede kaming tawagin magtrabaho kung kulangin ng tao sa barko. Pag-uwi ko, nag-claim ako ng overtime pay para sa buong kahabaan ng aking pagsakay sa barko dahil ako nama’y “on call”.
Ito ay tinanggihan ng aking agency at employer dahil iyon lamang diumanong mga oras ng aktuwal na trabaho ang puwedeng bayaran ng overtime pay. Tama ba ito?
- Jun-Jun
Dear Jun-Jun,
Ang sagot sa inyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kaso ng Paul V. Santiago vs. CF Sharp Crew Management, Inc. (G.R. No. 162419, July 10, 2007, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Dante O. Tinga), kung saan sinabi na ang aktuwal na oras ng trabaho ang basehan sa overtime pay. Sang-ayon sa nasabing desisyon:
“The contract provision means that the fixed overtime pay of 30% would be the basis for computing the overtime pay if and when overtime work would be rendered. Simply stated, the rendition of overtime. Work and the submission of sufficient proof that said work was actually performed are conditions to be satisfied before a seaman could be entitled to overtime pay which should be computed on the basis of 30% of the basic monthly salary. In short, the contract provision guarantees the right to overtime pay but the entitlement to such benefit must first be established. Realistically speaking, a seaman, by the very nature of his job, stays on board a ship or vessel beyond the regular eight-hour work schedule. For the employer to give him overtime pay for the extra hours when he might be sleeping or attending to his personal chores or even just pulling away his time would be extremely unfair and unreasonable.” (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nasabing desisyon ang patunay ng aktuwal na trabaho na higit sa regular na oras ay kinakailangan para sa pag-claim ng overtime pay. Hindi ang pananatili sa barko ng naka-“on-call” status ang basehan ng pagbabayad ng overtime pay.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments