top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Overlapping functions sa iba’t ibang watersheds sa bansa, kailangang maisaayos agad!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2020
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 22, 2020



Panawagan nating maiayos na ang overlapping functions sa pag-aalaga ng iba’t ibang watersheds sa ating bansa ng ilang government agencies, pati na ng private sector.


Kailangan nating magsulong ng mga reporma na makatutulong sa National Power Corporation (NPC) na i-set ang mga prayoridad at magamit ng husto ang resources nito, lalo na sa kasalukuyang panahon.


☻☻☻


Ating inilatag sa Senado ang Senate Resolution no. 566 na humihimok sa Senate Committee on Energy na tingnan ang mandato, kapangyarihan, at function ng NPC pagdating sa management at rehabilitation ng watershed areas.


Mayroong overlap sa function ng NPC at ng National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources pagdating sa watershed management.


Dapat nating i-address ang ganitong sitwasyon na nangyayari sa ilang government agencies na nagpapatupad ng watershed management projects, programs at activities.


Nagpahayag ng kani-kanilang concern ang DENR at Department of Energy (DOE) pagdating sa ‘outdated’ na function ng NPC pagdating sa watershed management.


Noong na-privatize ang NPC ay inilipat na sa mga private companies ang maintenance at management ng mga watershed.


☻☻☻


Sa pagdinig ng budget ng DOE, natalakay na bukod sa ilang government agencies, pinamamahalaan din ng private companies na may kontrata sa pamahalaan ang mga watershed.


Ayon na rin sa website ng NPC, 11 watershed ang pinamamahalaan nito, sa pamamagitan ng Watershed Management Department nito, na may kabuuang lawak na 485,199 ektarya.


Ang mga watershed na ito ay sumusuporta sa power generation, domestic water supply, at irigasyon.


Kabilang din ang NPC sa NGP, na isang programa ng DENR na naglalayong i-rehabilitate ang 1.2 milyong ektarya ng forest lands hanggang sa 2022 at protektahan ang mga natitirang gubat.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page