Overexposed na raw siya, Pia… Heart, inisnab ang New York Fashion Week
- BULGAR

- Aug 29, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 29, 2024

Mas nalungkot pa ang mga fans kesa kay Heart Evangelista sa in-announce ng aktres na hindi siya makakadalo sa New York Fashion Week (NYFW).
Paliwanag nito kung bakit she is skipping the NYFW, “Those asking, I won’t be attending New York Fashion Week. Aside from work in Asia, Milan and Paris Fashion Week. It wouldn’t be smart for me to be all over the place. Maybe next season, but it still depends. Time is precious and health is important. (Bawal haggard).”
Naka-schedule ang NYFW sa September 6-8 at kasunod nito ang Milan Fashion Week sa September 17-23. Susunod naman ang Paris Fashion Week sa September 23-October 1.
Mas priority ni Heart ang Milan at Paris Fashion Week, kaya rito na lang siya abangan ng kanyang mga fans at supporters.
And speaking of Heart, nagiging favorite photographer nito ang asawang si Senate President Chiz Escudero. Si Chiz uli ang kumuha ng photos ni Heart na suot ang nauusong mala-lambat na kasuotan. Naka-tag si Chiz, ibig sabihin, siya uli ang kumuha ng pictures ni Heart.
Sa hectic na schedule ni Heart, at isama pa ang pagiging president niya ng Senate Spouses Foundation, mapapaisip ka kung paano pa niya nabibigyan ng oras ang kanyang showbiz career.
Pumirma siya ng kontrata sa GMA Network, pero mabuti na lang at next year pa ang series niya. Hindi siya maha-haggard sa kanyang schedule.
In fairness, ilang buwan na ring tumatakbo ang bardagulan ng mga supporters nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Everyday yata, may isyu ang dalawang kampo, at kapag nag-post ang isa kina Heart at Pia, may reaksiyon agad ang kani-kanyang supporters nila.
Sabi tuloy ng mga neutral fans, pinag-aaway ng kanilang fans sina Heart at Pia, na mabuti at hindi pa umaabot sa ganu’ng sitwasyon. Although, nagsalita na si Heart na wala siyang pinariringgan at wala siyang binanggit na pangalan, pero alam ng mga fans kung sino ang tinutukoy.
Sa isang post ni Pia na suot ang Bvlgari necklace, the same necklace na ipinasuot ni Heart sa fur baby niyang si Panda, siguradong magbabardagulan na naman ang mga fans ng dalawa.
Actually, nagsisimula na nga ang parinigan ng dalawang kampo ng fans at nakakatawang basahin ang kanilang linyahan.
Sabi ng mga fans ni Pia, maganda ang ginawa nito na sa halip na mag-react sa pagpapasuot ni Heart sa fur baby niya ng Bvlgari necklace, nag-post na lang si Pia sa Instagram na suot niya ang the same necklace.
Ang reaksiyon naman ng mga fans ni Heart sa ginawa ni Pia, at least ‘yung Bvlgari raw ni Heart ay binili nito ng sarili niyang pera, ang Bvlgari necklace raw ni Pia ay ipinahiram lang dito ng jewelry store.
Waiting na kami, pati ang ibang netizens, kung ano ang susunod na isyu ng mga fans nina Pia at Heart na kanilang pinagkakaabalahan.
MAY advisory ang Sparkle GMA Artist sa postponement ng Sparkle World Tour na naka-schedule sa Tokyo, Japan mula August 31- September 3.
Pahayag nito, “We regret to inform you that we have made the difficult decision to postpone ‘BALIK SAYA, SUPER SAYA WITH SPARKLE’ event originally scheduled for August 31- September 1 due to the strong typhoon forecast, TYPHOON SHANSHAN (Typhoon No. 10), which is expected to make landfall in Japan this weekend.”
Kasama ang Abot Kamay na Pangarap (AKNP) cast na sina Jillian Ward at Ken Chan sa mga performers, at disappointed siguro ang dalawa, lalo’t parehong first time nila sa Tokyo. Looking forward ang dalawa na mag-perform sa harap ng mga Pinoy doon, mamasyal at mag-shopping na rin.
Ayon kay Jillian, “First time ko sa Tokyo and nagulat po ako na parte ako ng Sparkle tour na ‘to. Siyempre, magagaling ang mga kasama ko.”
Hindi naman masasayang ang paghahanda ni Jillian dahil matutuloy pa rin ang event, ipina-finalize lang ang new schedule.
Hindi pala pahuhuli si Jillian kina Bianca Umali at lalo na kay Julie Anne San Jose pagdating sa kantahan dahil mahusay siyang kumanta. Hindi lang siya magaling na aktres, magaling pang singer at dancer din.
Teka lang, totoo bang sa South Korean actor na si Kim Ji Soo na ipapareha si Jillian sa AKNP at hindi na kay Ken Chan? Nalungkot tuloy ang mga Jillian-Ken fans sa balitang ito.








Comments