Outpatient services ng NKTI, isasara sa Enero 7
- BULGAR

- Jan 4, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 4, 2022

Inanunsiyo ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ngayong Martes na isasara nila ang kanilang outpatient services simula Enero 7 hanggang sa susunod pang abiso.
Gayunman, tiniyak ng NKTI sa mga pasyente na lahat ng konsultasyon sa mga nasabing panahon ay gagawin na lamang telehealth services.
Subalit ayon sa pamunuan ng ospital, ang mga private outpatient clinics ay ipapaubaya nila sa diskresiyon ng kanilang mga doktor.
“Private patients are advised to coordinate with their respective doctors regarding their scheduled appointments,” pahayag ng NKTI sa isang advisory.
“For SERVICE PATIENTS, you may call our Outpatient Services (OPS) at 89810300 local 1123/1122/1194 for further inquiries,” dagdag pa nito.
Una nang nag-abiso ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Manila, at Ospital ng Malabon na pansamantala nilang itinigil ang pag-admit ng mga pasyente dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 mula sa mga empleyado ng ospital at personnel.








Comments