Out sa launching ng AMBS… KARLA, MAY PROBLEMA PA SA ABS-CBN
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 16, 2022

Sa grand launch ng AMBS2 o ALLTV last Sept. 13 ay may mga nagtanong kung bakit wala si Karla Estrada. Inakala kasi ng marami na isa ang former Magandang Buhay host sa mga bibigyan ng programa sa network na pag-aari ng mga Villar.
Bukod dito ay nag-viral din ang larawang magkakasama sina Karla, Mariel Rodriguez-Padilla at Toni Gonzaga-Soriano kaya hinulaang may programa silang tatlo.
Meron naman talaga, pero solo si Toni para sa mala-Toni Talks niyang talk show na ang pilot episode ay ang panayam niya kay Presidente Bongbong Marcos, Jr..
Sa ngayon, wala pang anunsiyo kung ano'ng programa naman ang para kay Mariel, pero ang sabi niya nang huling makausap namin ay talk show daw na binanggit din sa Cristy Ferminute program ni Nanay Cristy Fermin kasama si Romel Chika.
May narinig naman kami mula sa Kapamilya Network na kaya wala si Karla sa nasabing launching ng ALLTV ay dahil hindi pa siya pumipirma ng kontrata dahil gusto nitong magpaalam muna nang pormal kay Ms. Cory Vidanes, COO ng network.
Nagpa-schedule raw ng meeting ang dating MB host sa TV executive.





Comments