Out sa Christmas Station ID kahit StarStruck winner pa…

LOLIT, IPINAMUKHA KAY MARK NA 'DI NA IMPORTANTE SA GMA-7
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 20, 2020

Nagtataka ang manager ni Mark Herras na si Lolit Solis kung bakit hindi nakasama ang aktor sa Christmas Station ID ng GMA-7 this year.
“Ewan ko kung bakit hindi nasama sa Christmas ID ng GMA-7 si Mark Herras, Salve. Anuman ang naging dahilan sa desisyon na iyon, palagay ko naman ay tama at dapat tanggapin,” ang simula ng IG post ni 'Nay Lolit.
“In fairness, maganda ang presentation at pagkakagawa ng Christmas ID, nagbigay ng hope for a better tomorrow, at pag-asa sa mga medyo nawawalan na ng lakas ng loob,” patuloy niya.
Pero naging obvious daw ang pagkawala ni Mark dahil naroroon ang ibang mga StarStruck alumni lalo pa nga’t first winner ang aktor ng nasabing show.
“Ok naman ang line-up of stars, naging obvious nga lang na wala si Mark Herras dahil nandu'n ang ibang mga StarStruck, at siya na first winner ay wala.
“Hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang dahilan, puwedeng hindi available si Mark sa araw ng shoot, puwedeng baka hindi na siya isinali dahil wala siyang regular show. Maraming puwedeng maging dahilan, pero hindi dapat ikagalit kung sakali dahil hindi naman porke hindi ka naisama, balewala ka na,” lahad pa ni 'Nay Lolit.
Pero dapat daw ay maging eye-opener na rin ito kay Mark at itanong nito sa sarili kung bakit nga hindi na siya isinama sa Christmas Station ID.
“Tanggapin natin nang maluwag kung anuman ang reason bakit hindi nasali si Mark Herras. At si Mark mismo, dapat ding maisip bakit nga hindi siya naisama. Eye-opener ito kung para sa iyo ay importante. Itanong mo sa sarili mo mismo kung bakit, at sana nga, ito ang maging daan para ikaw mismo, magsikap na dapat kasali ako dahil importante ako. Imposible kasi na hindi ka isali 'pag importante ka, kaya dapat, lagi kang importante,” pagtatapos ni 'Nay Lolit.





Comments