Out na sa Viva? SARAH AT MATTEO, NAGTAYO NA NG SARILING RECORD LABEL
- BULGAR

- Jul 19
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 19, 2025
Image: Sarah at Matteo G - IG
Tanong ng mga fans ni Sarah Geronimo, wala na raw ba siya sa Viva Records? Dahil ito sa tweet ni Matteo Guidicelli na, “Yes, it’s finally here! This has been established in its perfect time. SG will start owning her own music and creating exciting things!”
Ang tinukoy ni Matteo ay ang G Music na ang nakasulat, “An independent record label owned by Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli.”
Ang G Music ang magre-release ng new song ni Sarah na Umaaligid na may intriguing lyrics.
Wala pa yata sa bansa sina Sarah at Matteo, wala pang nakakapag-interview sa kanila tungkol sa itinatag nilang G Music at kung ang ibig sabihin ba nito ay wala na sa Viva si Sarah.
Curious din ang mga fans ni Sarah kung ang tinukoy ni Matteo that Sarah will be owning her own music ay ang songs lang under their own label.
Bukod sa release ng Umaaligid, hinihintay din ng mga fans ang release ng collab ni Sarah at ng SB19. Tanong uli ng mga fans kung ang G Music ang magre-release ng nasabing collab.
Pinasalamatan si Matteo ng mga fans ni Sarah for supporting Sarah’s passion and always there for her. Ang pakiusap ng mga ito, ma-promote nang husto ang new single ni Sarah pati na rin ang G Music.
Samantala, hindi sinagot ni Matteo ang tanong kung magre-release rin siya ng song under G Music dahil kumakanta rin siya. Ang kasunod nito ay ang request na magkaroon sila ng collab recording ng kanyang misis na si Sarah Geronimo.
ALMOST sold-]out na ang tickets sa concert ni Janine Teñoso na Janine, kahit sa September 5, 2025 pa ang first solo concert nito sa New Frontier Theater. In fact, sold-out na ang Lodge and Balcony sections at ang pagpipilian na lang ng mga fans ay ang SVIP, VIP, at Orchestra sections.
Ganoon ka-excited ang mga fans ni Janine to watch her on her first solo concert na sabi nito, magiging narrative ng journey niya as a singer ang concept.
“Ikukuwento ko thru songs ang beginning ko as a singer when I was 17 years old and now that I am 26 years old,” sabi nito.
Kinabahan si Janine nang ipaalam sa kanya na may solo concert siya, “Pero mas kinakabahan ako sa kalalabasan ng buong concert. Kaya focus ako sa preparation like sa areglo ng songs. Gusto ko ma-align sa vision ko ang flow ng concert, kaya kasama ako sa creative decision at every week, may meeting kami.”
Bukod kay Janine, excited din ang mga fans sa guest niya sa concert na kinabibilangan nina Arthur Nery (na na-link sa kanya), Rob Deniel, The Juans, Rabin Angeles, at Cup of Joe.
Sasabog sa tuwa at ingay nito ang New Frontier sa pagsasama-sama ng mga nabanggit at ine-expect na namin na magkakaroon ng sing-along ang audience.
After the concert and after her France vacation, ang makapag-release ng album ang aasikasuhin ni Janine.
“That’s my goal, to release an album next year, and this year, paghahandaan ko na. I’m writing more songs,” pagbabalita nito.
BF, kontrobersiyal sa mga nawawalang sabungero… SUNSHINE, ‘DI BINATI NI ATONG SA B-DAY
NAKAKATUWA na hindi natigil ang pagiging magkaibigan nina Sunshine Cruz at Ara Mina. Naghiwalay na kasi ang aktres at brother ni Ara na si Macky Mathay.
Nababasa ang comment ng isa’t isa sa kani-kanyang post sa Instagram (IG), bagay na ikinatutuwa ng mga netizens. Tama lang naman dahil hindi naman kasama si Ara sa relasyon ng kapatid at ni Sunshine.
Heto nga’t isa si Ara sa mga bumati ng happy birthday kay Sunshine na 48th birthday kahapon.
“Happy Birthday, Sis! Love you!” ang mensahe ni Ara.
Simple lang ang caption ni Sunshine sa birthday post niya, “48 today! I’m incredibly grateful for another year. My heart is full thanks to unwavering love and support of those around me.”
Hinanap ng mga netizens ang birthday greetings ni Atong Ang (na sangkot ngayon sa mga nawawalang sabungero) sa IG ni Sunshine, kaso hindi yata ma-social media si Mr. Ang at kung meron man, hindi niya babatiin si Sunshine via socmed (social media).










Comments