top of page

Out na sa 15th anniv ng show… ANNE BABU, PAPALITAN NI BELA SA IT’S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 23, 2024


Showbiz News
Photo: Anne Curtis & Bela Padilla / IG

Si Anne Curtis pala ang co-host ng It’s Showtime (IS) na mamamaalam na sa noontime show. Papalitan na siya ni Bela Padilla. 


Ngayon pa lang ay nalulungkot na ang ibang hosts ng nasabing noontime show. Sobra raw nilang mami-miss ang kakulitan at pagiging jologs ni Anne. Hahanapin din nila ang pagiging bulol nito at ang pagkanta nang wala sa tono.


Nalulungkot din si Anne na iwanan ang kanyang IS family. Pero kailangan niyang magpaalam sa show dahil may mga projects at commitments siyang dapat ayusin. Hindi lang naman sa IS  umiikot ang mundo ni Anne Curtis. 


Hindi lang din siya product endorser, kailangan din niyang tutukan ang kanyang acting career. May mga pelikulang naghihintay para sa kanya. Puwede naman siyang dumalo sa IS sa mga special occasions. 


Sa October ay magse-celebrate na ang IS ng kanilang 15th anniversary!



‘Di mapatawad ng two-time gold medalist… 

PAMILYA NI CARLOS, IBANG TAO PA ANG NAGBIBIGAY NG AYUDA  


Showbiz Photo
Photo: Angelica Yulo / FB

Ano kaya ang dahilan ng two-time Olympics gold medalist na si Carlo Yulo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang dumalaw sa kanyang mga magulang at kapatid? 


May nagbabawal kaya sa kanya o sadyang hindi pa siya ready na makipagkita sa kanyang pamilya? 


Nakikilala na nga si Carlo Yulo dahil sa mga interviews at media exposure niya sa iba't ibang TV networks. Kaya naman, marami ang sumusuporta sa pamilya ni Caloy matapos lumabas sa socmed ang issue ng kanilang pamilya, at sila ang nag-alok na ipasyal at pasayahin ang mga kaanak ni Carlos Yulo. 


Isang mayamang may-ari ng wellness center sa BGC ang nag-alok na ipasyal ang Yulo family sa Venice Canal sa Taguig. Nag-treat pa ng dinner with matching groceries at libreng body massage. 


Marami ring supporters ni Nanay Angelica Yulo ang bumibili ng tinda niyang garlic longganisa. At least, kumikita ng sariling pera ang nanay ni Carlos.



Labis na ipinagtataka ng marami kung bakit patuloy na lumalabas sa socmed (social media) ang mga posts tungkol sa dating relasyon nina Karylle at Dingdong Dantes, kahit na pareho na silang may pamilya ngayon. 


At pinalalabas pang si Marian Rivera ang kontrabida at mang-aagaw. May mga videos pang inilalabas na galit na galit si Marian at sinisita ang mga bashers na nagpapakalat ng ganoong paninira.


Napapaisip lang kami kung ano ang motibo ng mga taong naninira sa mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes. Matinding inggit ba ito dahil itinanghal na Box Office Queen at King ang mag-asawa? At pareho pa silang nanalo ng acting award sa pelikulang kanilang ginawa.


Well, kahit ano'ng paninira pa kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay hindi magtatagumpay sa kanilang plano ang mga taong may masamang intensiyon. Nananaig pa rin ang kabutihan!



Mismong si Atty. Annette Gozon-Abrogar ang nagsabing ang mga artistang kinukuha nila para sa mga shows ng GMA Network ay ibinabase nila sa merit at appeal ng isang applicant o talent, hindi dahil sa rekomendasyon ng sinumang staff. 


At maraming pinagdaraanan ang mga talents na nangangarap na ma-cast sa anumang show ng Kapuso Network, kabilang na ang pagdaan sa acting workshops at personality development. 


Sa kontrobersiyang kinasangkutan ng dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Dode Cruz, mas magiging mahigpit na ang GMA-7. 


Sa loob ng 75 taon ay napanatili ng GMA Network ang magandang imahe nito sa publiko. Hindi ito nag-tolerate ng sinumang production staff na gagawa ng pang-aabuso sa sinumang talent o trabahador, at hindi rin papayagan ang sinuman na mag-power tripping. 


Malaking pagkakamali ang nagawa ng mga taong sangkot sa pang-aabuso sa anak ni Niño Muhlach na si Sandro.



Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page