top of page
BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG

Out muna sa showbiz… BEA, HANDA NANG MAGING MOMMY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 5, 2026



TEKA NGA - BEA, HANDA NANG MAGING MOMMY-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Kalat na ang balitang magli-leave sa showbiz si Bea Alonzo ngayong patapos na ang kontrata niya sa GMA Network. Tatapusin lang diumano niya ang seryeng Whispers from Heaven (WFH) na kasama sa kanyang pinirmahang kontrata sa Kapuso Network. Three years din siyang naging bahagi ng GMA-7.


Ayon pa sa tsika, desisyon mismo ng aktres ang magpahinga sa kanyang showbiz career upang mabigyan ng panahon ang kanyang pagiging maybahay ni Vincent Co. Handa na rin siyang maging mommy, at ito ang kanyang magiging prayoridad. On the side ay aasikasuhin din niya ang kanyang mga negosyo.


Well, may kahilingan lang ang kanyang mga fans. Sana raw ay mapagbigyan sila ni Bea na gumawa muna ng reunion movie nila ni John Lloyd Cruz (JLC) na matagal na nilang idinadasal.


Maraming producers din ang nag-o-offer na gumawa sina Bea at JLC ng isang reunion movie. Miss na miss na sila ng kanilang mga tagahanga.





Mas gustong mahalin ang sarili… 

MIKEE, ‘DI FEEL MAGING MARTIR SA LALAKI



KUNG stand-out ang akting ni Barbie Forteza sa pelikulang Saving Cherry (SC), lumutang at nagmarka rin naman si Mikee Quintos sa kanyang role bilang si Beth, isa sa loyal friends ni Cherry (Barbie).


Si Beth ay isang martir na asawa na kahit ilang beses nang niloko ng kanyang mister ay pinatawad pa rin upang isalba ang kanilang marriage. Ibang-iba si Beth sa character ni Cherry na matigas ang puso at hindi binigyan ng second chance ang nagtaksil na mister.


Well, tulad ni Barbie, dumanas din ng kabiguan sa pag-ibig si Mikee. Nag-break sila ng BF niyang si Paul Salas matapos ang ilang taong relasyon. Nagpakatatag ang aktres at nag-focus na lang sa kanyang career upang maka-move on.


Maraming lessons in love siyang natutunan nang gawin niya ang Saving Cherry

In real life, wala namang balak si Mikee na magpakamartir sa pag-ibig. Ngayon ay na-realize na niya na dapat ay bigyan din niya ng prayoridad ang pag-aalaga sa kanyang sarili, sa halip na magmukmok kapag brokenhearted.





NAG-IIKOT ngayon sa mga shows ng GMA-7 ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. 

Kuwela ang guest role niya sa The Master Cutter (TMC) bilang si Olga Bonifacio na nagpapanggap na nanay ni Ibyang (Sienna Stevens).


May pagkaastig at raketera si Olga, at pinagkakitaan niya si Ibyang. Magbabago kaya siya na maaawa at mamahalin si Ibyang?


Guest din si Jennylyn ngayon sa longest-running sitcom na Pepito Manaloto (PM) na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes. 


Kasama nila sa sitcom sina Jake Vargas, Nova Villa, Chariz Solomon, John Feir, Ronnie Henares, Mosang, Angel Satsumi, Arthur Solinap, Maureen Larrazabal, atbp..


Abangan ang mga nakakatuwang kaganapan sa PM sa pagpasok ni Jennylyn. Balitang next week ay nakatakda ring mag-guest sa comedy-drama serye si Rhian Ramos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page