“Otra Declaracion Desperada” ni Leona Florentina, tampok sa huling onlayn talakayan ng
- BULGAR
- Nov 28, 2021
- 1 min read
KWF ngayong 2021
ni Fely Ng - @Bulgarific | November 28, 2021

Hello, Bulgarians! Para sa huling libreng onlayn talakayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayon 2021, ipababasa ang “Otra Declaracion Desperada/Isa Pang Pangahas na Pahayag” ng makatang Ilokana na si Leona Florentino.
Tinatawag ang proyekto na Onlayn Talakayan sa mga Babasahin sa Kulturang Filipino at serye ito ng mga libreng sesyon sa pagbasa at diskusyon. Layon nitong magpasigla ng kultura ng pagbabasa at pagbabahagi ng kaalaman sa madla.
Sa mga nagdaang sesyon, pinag-usapan sa talakayan ang mga akda nina Emilio Jacinto, Antonio Luna, Apolinario Mabini, at Andres Bonifacio.
Kinakailangan lamang magpatala ang mga kalahok sa https://forms.gle/iqTWwogZGuVFdjjN9.
Pipiliin ng KWF ang 30 kalahok para sa nasabing talakayan.
Ipababasa sa mga kalahok ang nasabing teksto at pagkakalooban ng gabay ng video na magpapaunlad ng kanilang danas sa pagbása. Matapos nito ay lalahok sila sa isasagawang talakayan na gagabayan ng mga kawani ng KWF.
Tatanggap ang mga makatatapos ng sesyon ng katibayan ng paglahok. Itinuturing na isang haligi sa hanay ng mga makatang Pilipina si Florentino (1849–1884). Sumulat siya ng mga tula sa wikang Ilokano at Español sa panahong hindi pa gaanong naililimbag ang kababaihan.
Nailathala ang kanyang mga tula sa Francia, Estados Unidos, at España.
Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa rrcagalingan@kwf.gov.ph, o bumisita sa kwf.gov.ph.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments