top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Orlando, nag-madyik vs. GSW, Jokic at Suggs, nagpasikat

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 5, 2022



Tunay na bilog ang bola sa NBA at pinadapa ng kulelat na Orlando Magic ang World Champion Golden State Warriors, 130-129, sa isa sa dalawang laro kahapon mula sa Amway Center. Sumunod dito ay nag-triple double si MVP Nikola Jokic para hilahin ang bisitang Denver Nuggets sa 122-110 panalo sa Oklahoma City Thunder.


Nagpasikat si Jalen Suggs at pumukol ng tres upang ibigay sa Magic ang 129-126 lamang at 37 segundo sa orasan. Biglang inagaw ni Suggs ang bola kay Stephen Curry at napilitan siyang bigyan ng foul ni Draymond Green.


Nagtapos si Suggs na may 26 puntos at 9 na assist habang 22 puntos at 8 rebound si Banchero. Nabitin ang 39 puntos ni Curry mula sa walong tres.


Ito na ang ika-4 na sunod na talo ng Warriors, lahat sa lugar ng kalaro at may isa pa silang nakatakda bukas sa New Orleans Pelicans bago umuwi ng Chase Center. Lalong bumagsak ang Golden State sa 3-6 habang ito ang pangalawang panalo lang ng Magic sa siyam na laro.


Umaapoy ang simula ng Denver, 13-0, patungo sa 71-57 sa halftime. Nagising ang Thunder at naagaw ang lamang papasok sa fourth quarter, 95-93, at walang nagawa ang depensa kay Jamal Murray na gumawa ng 14 puntos.


Nagtala si Murray ng kabuuang 24 puntos kasunod ni Aaron Gordon na may 27.


Nagsumite si Jokic ng 15 puntos, 13 rebound at 14 assist para sa kanyang ika-79 na triple double at lampasan ang alamat na si Wilt Chamberlain para sa pinakamarami para sa isang sentro.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page