top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Oradas Gray, nagpangiti sa Turf Maiden Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 5, 2023


Pinasaya ni Oradas Gray ang mga liyamadista noong Linggo ng hapon nang manalo ito sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Nilarga sa unang race, parang sibat na lumabas ng aparato si Oradas Gray upang hawakan agad ang unahan habang kalmado ang kanyang hineteng si class A rider Kelvin Abobo sa pagdadala sa kanya.


Pagsapit ng far turn ay nasa apat na kabayo na ang lamang ni Oradas Gray sa pumapangalawang Lagertha habang tersero ang Freydis Cutie.


Minani lang ni Oradas Gray ang mga katunggali lalo na ng dumating sa rektahan dahil malayo ito sa mga humahabol sa kanya kaya magaan nitong tinawid ang meta.


Ipinasa ni Oradas Gray ang 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P20,000 added prize.


Segundong dumating si Jewel Of The Nile, tersero si Golden Jaraywa habang pang-apat si Impressive Victory sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na pinamumunuan ni chairman Reli De Leon.


Hinahanda ngayon si Oradas Gray sa susunod na tatakbuhin, kapag nagpatuloy ang magandang performances ay posibleng ilaban ito sa mga stakes races.


Samantala, inaabangan ng mga karerista ang mga malalaking karera na ilalarga ngayong buwan kasama na ang 3rd Leg Triple Crown Championship at Hopeful Stakes race.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page