top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Open Billing, mahigpit na ineensayo sa 3-YO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 13, 2023


Nakapokus ang trainer at hinete ni Open Billing sa ensayo para paghandaan ang sasalihang 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf - Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Sabado.


Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Open Billing na makakatagisan ng bilis ang anim pang-tigasing kabayo.


May nakalaan na P1-M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, makakalaban ni Open Billing sina Cash On Hand, Danueis Son, I Under Oath, Light Bearer, Orange Bell at Sky Story.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000, ibubulsa ng second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Mag-uuwi rin ang breeder ng winning horse ng P50,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM), sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Mapupunta sa second ang P30,000 at P20,000 naman sa third.


Ayon sa mga karerista, posibleng magpakitang-gilas din ang mga kalahok na Sky Story at Orange Bell.


Samantala, pakakawalan din ang Hopeful Stakes race sa Sabado kung saan ay may pitong mahuhusay na kabayo ang kasali. Mahaba rin ang distansiya ng karera, 2,000 meter race ang tatakbuhin ng mga kasaling sina Badboy MJ, Chrome Bell, Cluster, Glamour Girle, Grand Monarch, Prime Billing at Winner Parade.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page