top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Open Billing, handa sa pagsalang sa 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 29, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 29, 2023



Muling sasalang sa pista si Open Billing matapos magsaad ng paglahok ang kanyang connections sa 2023 PHILRACOM "-Year-Old Locally Bred Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf - Malvar sa Tanauan City, Batangas sa July 15.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Open Billing na makakatagisan ng bilis ang anim pang tigasing kabayo.


Nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang naghayag ng paglahok ay sina Cash On Hand, Danueis Son, I Under Oath, Light Bearer, Orange Bell at Sky Story.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P600,000, ibubulsa ng second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Mag-uuwi rin ang breeder ng winning horse ng P50,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon, mapupunta sa second ang P30,000 at P20,000 naman sa third.


Ayon sa mga karerista, posibleng magpakitang gilas din ang mga kalahok na sina Sky Story at Orange Bell.


"Seryoso ang paghahanda ng mga kasali kasi nakikita ko sila sa pista na nag-eensayo kaya tiyak na magandang laban ang mapapanood natin," saad ni Benny Legaspi, karera tiyempista.


Maliban sa nabanggit na stakes race, pakakawalan din sa nabanggit na petsa ang bakbakan sa Hopeful Stakes Race.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page