top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Open Billing at Prime Billing, masusubukan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 23, 2023


Palaban ang magkakamping Open Billing at Prime Billing kahit mahuhusay ang kalahok sa magaganap na 2023 PHILRACOM-PCSO 3Year-Old Locally Bred Grand derby na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Oktubre 8.


Masusubukan ang tikas nina Open Billing at Prime Billing kontra ibang nominadong kabayo tulad nina Jaguar at La Trouppei sa distansiyang 1,800 meter race.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Open Billing habang nakatoka kay Prime Billing si Andreu Villegas.


Bukod sa apat na nabanggit na kabayo, ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina Domsat Seven, Earli Boating, Glamour Girle, Istulen Ola, Secretary, Sonic Clay at Winner Parade.


Tumataginting na P3-M guaranteed prize ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, tig-P1.5M ang inisponsor ng PHILRACOM at PCSO.


Ibubulsa ng horse owner ng mananalong kabayo ang P1.8-M na premyo habang hahamigin ng second placer ang P600,000, mapupunta ang P300,000 sa third habang tig-P150,000, P90,000 at P60,000 ang fourth hanggang sixth.


Ayon sa mga karerista, paniguradong pinaghahandaan ng mga trainer ang hinete ang nasabing karera dahil malaki ang premyo. Susungkitin ng breeder ng winning horse ang P150,000 habang tig-P90,000 at P60,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon at ng PCSO.


Samantala, kinansela ang karera ng Commission Board kahapon ng Biyernes ito'y dahil sa pagbabanta ng Taal Volcano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page