top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Onli in ‘Pinas...

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2020
2 min read

‘Pag mahirap na nagnakaw ng gatas at diaper, kulong agad, ‘pag mayaman na nagnakaw ng bilyones, pakuya-kuyakoy lang sa opisina, ‘pag lumabas may bodyguard pa!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 24, 2020



IMBES NA IPANTULONG ANG P52.5-M, GINASTOS ITO SA LOGO NG BSP—Pinalitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang logo nito, at ang ginastos dito ay higit P52.5 million!


Mantakin ninyo, sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic, sunud-sunod na pananalasa ng mga bagyo, ang daming naghihirap na mamamayang humihingi ng tulong, naisip pa ng appointee ni P-Duterte na si BSP Governor Benjamin Diokno na gumastos ng ganyang kalaking halaga para lang sa logo, buwisit!


◘◘◘


DUTERTE-DUTERTE sa 2022, MAS PRAYORIDAD NG GOBYERNO KAYSA TUMULONG SA MGA BINAGYO—Muling binuhay ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang Duterte-Duterte sa 2022 Presidential election, na si Mayor Sara ang kandidato sa pagka-Pangulo at si P-Duterte naman ang bise-presidente.


Hay nako, imbes na atupagin ng mga gov’t. officials na tulad ni Panelo ay kung paano makatutulong sa mga sinalanta ng bagyo at baha, ang inaatupag ay ang Duterte-Duterte sa 2022, pwe!


◘◘◘


IBINULGAR NI SEN. RISA NA AYAW PAIMBESTIGAHAN NI SOTTO ANG SEA GAMES SCAM—Dahil sa mga alingasngas na nagkaroon ng katiwalian sa higit P9 bilyon inutang ng BCDA (Bases Conversion and Development Authority) sa DBP (Development Bank of the Philippines), na ipinondo sa 2019 SEA (Southeast Asian Games) na pinamamahalaan naman ng foundation ni ex-Speaker Alan Cayetano, hinirit ni Sen. Risa Hontiveros na imbestigahan ito, pero tutol si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto na maimbestigahan ito.


Ganu’n? Taxpayers ang magbabayad sa utang na ‘yan, tapos ayaw paimbestigahan ni Sotto kung nagkaroon ng katiwalian diyan, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


NAGNAKAW NG GATAS AT DIAPER NAHULI AT NAKULONG, SANA GANYAN DIN SA MGA NAGNANAKAW NG BILYONES SA KABAN NG BAYAN—Viral sa social media ang ama na hinuli, kinasuhan ng qualified theft at ikinulong ng mga pulis dahil sa pagnanakaw ng gatas at diaper para sa kanyang anak sa Taguig City.


Ang batas ay batas, dahil nagnakaw siya dapat lang siyang makulong, pero sana maging patas ang pamahalaan kasi ang problema sa Pilipinas, ‘yung mga pulitiko at gov’t officials na sangkot sa bilyun-bilyong pisong nakawan sa gobyerno, pakuya-kuyakoy lang sa kanilang mga opisina, at kapag lumabas, eh, may mga bodyguard pang pulis, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page