Onli in da ‘Pinas na hate ng mga supporters ng pangulo ang tumutulong sa kapwa
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 27, 2021
NGAYON LANG NANGYARI NA MINAMASAMA NG MGA SUPPORTERS NG PANGULO ANG PAGKAWANGGAWA NI ANGEL LOCSIN—Sa mga nagdaang administrasyon, sa tuwing nakikita ng publiko na nagbibigay-tulong si Angel Locsin sa mga biktima ng kalamidad ay papuri ang kanyang tinatamo.
Pero mula nang maging pangulo si P-Duterte, porke talent ng ABS-CBN at kamag-anak nito si human rights lawyer-former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, minasama na ng ilang taong-gobyerno at DDS ang pagkakawanggawa ng aktres.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na ‘yung tumutulong, bina-bash pa ng mga tauhan at supporters ng pangulo, boom!
◘◘◘
KUNG ITURING NG MGA DDS SI ANGEL LOCSIN PARANG KILLER NG LOLO—Galit na galit ang mga DDS kay Angel sa isyu nang pagkamatay ng senior citizen na pumila sa pa-community pantry ng aktres na itinaon niya sa kanyang kaarawan, na kung i-bash nila ay kulang na lang ay akusahan nilang ito ang pumatay sa lolo, pero sa libu-libong biktima ng EJK, nagbubunyi pa ang DDS.
Kita n’yo kung anong utak meron ang mga ‘yan kasi hindi naman si Angel ang pumatay, inako ang pagkakamali at sinagot ang anumang gastusin sa pagkamatay ng lolo, pero kung ituring nila ang aktres ay parang killer, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
HINDI SAPAT ANG AYUDANG P1-K SA KADA-TAO PARA SA HIGIT ISANG BUWANG LOCKDOWN AT SEMI-LOCKDOWN—Hindi sapat ang P1-K kada tao at P4-K para sa may apat o higit pa na miyembro ng isang pamilya ang ayudang ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong mamamayan sa ipinairal na lockdown mula March 29 hanggang April 11, 2021 at semi-lockdown (MECQ) mula April 12 hanggang April 30, 2021.
Kahit ano’ng tipid ang gawin sa P1-K hanggang P4-K para sa mahigit isang buwang lockdown at semi-lockdown ay hindi talaga sasapat at ‘yan ang dahilan kung kaya’t nagdaragsaan sa mga community pantry ang mahihirap na mamamayan para kumuha ng libreng makakain, boom!
◘◘◘
WALANG TAKOT SA COVID-19 ANG NAGUGUTOM—Deadly ang COVID-19 at takot talaga ang sinuman na mahawaan ng COVID-19, pero ang banta ng virus ay hindi na inaalintana ng mahihirap na mamamayan, ang importante sa kanila ay makakuha ng makakain sa community pantry.
Sa totoo lang, walang magulang ang makatitiis na makitang kumakalam ang sikmura sa gutom ng kanilang mga anak, at ‘yan ang dahilan kaya dagsa sa community pantry ang mahihirap na mamamayan para kumuha ng kanilang makakain, period!





Comments