One-sided daw… DENNIS, HINAMON SI KAREN NA ILABAS DIN ANG PANIG NIYA SA AWAY NILA NI JULIA
ni Nitz Miralles - @Bida | September 19, 2022

May panawagan si Dennis Padilla kay Karen Davila na “Pls. be fair to all... You need to interview me...” na sinundan ng “Maraming mali sa alam ni Julia... Waiting sa reply mo, ty.”
Kaugnay ito ng katatapos lang na interview ni Karen kay Julia Barretto kung saan sinabi ng aktres na hindi pa niya kayang patawarin ang ama.
Sagot ni Karen kay Dennis, “Good morning, Dennis! Just saw this... texted you back just now.”
Kaya sa mga susunod na araw, kung mai-interview nga ni Karen si Dennis, malalaman ang side niya sa mga ipinahayag ni Julia Barretto.
Ibig sabihin nito, tuloy ang online sagutan nina Dennis at Julia dahil kapag na-interview si Dennis, sasagot si Julia at sasagot uli ang ama.
Tama ang payo ng isang netizen, mag-usap sina Dennis at Julia na sila lang at mag-promise na hindi nila ipo-post sa social media ang kanilang mapag-uusapan.





Comments