One big happy family, pati GF ng aktor, join… JOHN LLOYD AT ELLEN, TODO-ENJOY SA AMANPULO KASAMA ANG MGA ANAK
- BULGAR

- 16 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 6, 2026

Photo: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna - Instagram Circulated
Ang saya-saya ng anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto dahil magkasama ang papa at mama niya sa bakasyon nila sa private resort sa Amanpulo at kasama rin ang baby sister niyang si Lili at ang girlfriend ng aktor na si Isabel Santos.
Base sa Instagram (IG) Stories ni Ellen, nakasakay si Elias – kasama ang 2 pang bata na hindi nabanggit kung sino – sa golf cart at tinawag niya ang tatlo na “The three butchoks”.
Sumunod ay nasa motorboat ang mga bagets at naghahanap daw ng pawikan.
Ang caption ni Ellen, “In search of pawikans,” at saka ipinakita ang malaking pawikan na lumalangoy sa dagat na kitang-kita ang ilalim sa sobrang linaw ng tubig na kulay berde.
May ibang isda na tulad ng pompano kaya nagbiro ang kasama nina Ellen na ayaw niya ito dahil ito ang ulam niya kinagabihan.
May kuha ang mga batang tumatakbo sa puting buhangin habang nakatingin sa mga isdang nasa dagat.
Ang caption ni Ellen: “Naka-selfie kasi naka-sub si @isabelreyesantos.”
May kuha ring hawak-hawak ni Isabel ang dalawang bata patungo sa dagat.
Ang caption ni Ellen, “Push @isabelreyesantos.”
May video ang mag-amang John Lloyd at Elias habang dala-dala ng huli ang isang alimango na ipinagmamalaki sa ama na nahirapan siyang kunin sa dagat.
Natawa si Lloydie at sinabihan ang anak ng “Give it to your mama.”
Nakakatuwang panoorin sina Lloydie, Isabel, Ellen kasama sina Elias at Lili na magkakasamang nagba-bonding.
Ang ganda ng samahan nilang tatlo. Kaya puring-puri ni Ellen ang tatay ni Elias dahil lagi raw itong nakasuporta pagdating sa anak nila, lalo na sa panahong may pinagdaraanan ang una sa estranged husband niyang si Derek Ramsay.
Matatandaang nabanggit dati ni Ellen, “In fairness talaga kay JL, wala akong masabi. ‘Di na kailangang pagsabihan. At ‘wag ninyo na itong gawing chismis, ha, kasi JL and I are better off as co-parents. As in super okay kami sa co-parenting namin.”
Eh, sila kaya ni Derek Ramsay?
ILANG tulog na lang at mapapanood na ang Sigabo, ang seryeng papalit sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na magtatapos na sa susunod na linggo, Marso 13, kaya naman ipinasilip na ang teaser nito.
Ang Sigabo ay mapapanood naman sa Marso 16 sa Kapamilya channels at ALLTV2 na base sa nakatsikahan naming taga-ABS-CBN ay action-comedy with romance ang kuwento nina Coco Martin at Julia Montes kaya nag-aral ang aktres ng martial arts, atbp..
Sabi ni Coco sa panayam niya noon sa TV Patrol, “Naghihintay ako ng right project para sa pagsasama namin ni Julia. Si Juls ngayon, pukpukan ang training. Nag-aaral s’ya ngayon ng sa baril, ng fight, sa motor. Inakma namin ‘yung kuwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon. First time namin magla-light. Pasasayahin naman natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi.”
Dagdag pa, “Halos lahat ng mga kasama namin, mga comedian. Tapos episodic s’ya, iba-ibang kuwento, iba-ibang mission. Para iba-ibang experience every week.”
Samantala, sunud-sunod ang pasabog na bakbakan ni Coco sa BQ na sabi ni Angel Aquino ay hindi ka halos hihinga sa mga huling araw ng serye.
Ipinasilip ng ABS-CBN ang mga maaaksiyong tagpo ni Tanggol (Coco) na dapat abangan sa umiigting na huling sampung gabi ng BQ.
Sama-samang panoorin ang huling laban ni Tanggol sa huling dalawang linggo ng FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa Kapamilya Channel, ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.




Comments