One big, happy family na talaga… DENNIS, JENNYLYN AT KANI-KANYANG ANAK, SAMA-SAMANG NAGWO-WORKOUT
- BULGAR

- Dec 21, 2020
- 2 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 21, 2020

Positive vibes ang dala ng mga photos na ipinost ni Jennylyn Mercado na sama-sama silang nagwo-workout ni Dennis Trillo at kani-kanilang anak na sina Calix at Jazz at isa pang bagets na relative either ni Dennis o ni Jennylyn.
Bagay ang caption ni Jennylyn na: “Stronger together” kung saan natuwa pati ang mga co-actors nilang dalawa.
May coach sina Dennis at Jennylyn, pero ang ganda lang tingnan na sa aktres nakatingin si Jazz at maganda rin ang dating na habang ginagawa ni Dennis ang exercises, nakatingin sa kanya si Jennylyn. Ang pumasok sa isip namin ay ang kasabihan na: “The family that works out together stays fit and healthy together.”
Anyway, Christmas break ng locked-in taping nina Dennis ng Legal Wives kaya may time sila ni Jennylyn to celebrate Christmas and New Year together. May mga video clips si Dennis na nagpapakita sa kanilang location, at dito pa lang, gugustuhin mo nang subaybayan ang cultural drama na handog ng GMA-7 next year.
Medyo kinabahan lang kami sa nabasang comment ng isang follower ni Dennis na ang sabi, “@dennistrillo I am a big fan of yours pero I would suggest consult the BARMM regarding about your show, research more cause Islam is very sensitive to talk about, get some expertise from Muslims culture para wala kayong nasasagasaan... hope you can hear this.”
May kasunod na nag-comment na tiyak ay nagawan na ito ng paraan ng network at ng production at tiyak ding may kasama silang expert sa Muslim culture sa shooting nila.
Nabanggit na rin ito ng headwriter na si Suzette Doctolero na very careful sila sa lahat ng aspeto sa production para nga walang negative feedback.
Sa March, 2021 na yata ang premiere ng Legal Wives at excited na ang mga Kapuso viewers na makapanood ng bagong genre ng teleserye, lalo na at pagbibidahan ni Dennis na alam ang kalibre bilang aktor.
Ang mangyayari, pagkatapos masubaybayan si Jennylyn sa Descendants of the Sun, si Dennis naman ang aabangan sa Legal Wives. Last week na ngayon ng DOTS at grateful si Jennylyn na sa kanya ipinagkatiwala ang karakter ni Dr. Maxine dela Cruz. Very memorable sa kanya ang nasabing role at project.





Comments