OMG! Santino, todo-pasalamat… ZAIJIAN, GAME NA GAME SA HALIKAN SA KAPWA LALAKI
- BULGAR
- Dec 20, 2023
- 1 min read
Updated: Dec 21, 2023
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 20, 2023

Todo ang pasasalamat nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez o mas kilala sa love team nilang TimPoch, sa mainit na pagtanggap ng mga viewers sa kanilang tambalan sa Kapamilya teleseryeng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.
Inamin ng dalawang aktor na hindi nila inaasahan ang mga positibong komento ng mga manonood para sa kanilang BL love team, lalo na para sa kissing scene ng kanilang mga karakter na sina Tim (Zaijian) at Poch (Miggy).
“Sobrang nakakataba ng puso dahil nagustuhan at minahal siya ng mga tao. 'Pag magkakaeksena kami, nagtatanungan kami kung hanggang saan lang ba puwede. Importante ‘yung communication namin dahil hindi basta-basta ‘yung scenes na ginagawa namin,” sabi ni Zaijian sa isang interview noong Forever Grateful: ABS-CBN Christmas Special 2023.
Nagpasalamat din si Zaijian sa paggabay ng kanilang mga direktor sa serye at labis din siyang natutuwa kapag nakaka-relate ang viewers sa kanyang karakter na naguguluhan pa raw sa tunay nitong seksuwalidad.
Ikinuwento naman ni Miggy na patuloy nilang pakikiligin ang manonood at magbabahagi ng mahahalagang aral sa mga ito.
“Sobrang overwhelming but at the same time, ayokong ipasok sa head ko. Ayokong sirain ‘yung chemistry na meron kami. We didn’t even plan it at all kaya gusto ko siyang i-treasure. I have to be grateful,” sabi niya.
Naging patok sa mga netizens ang nakakakilig na mga eksena nina Zaijian at Miggy kamakailan at patuloy nilang pinupuri ang Senior High sa pagtatalakay ng importanteng mga isyu na kinakaharap ng mga kabataan ngayon.
Napapanood ang Senior High gabi-gabi, 9:30 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.





Comments