Ombudsman shocked...

Korupsiyon sa FVR gov’t at P-NOY gov’t., wa’ binatbat sa korupsiyon sa Duterte gov’t
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 10, 2021
KAHIT OMBUDSMAN NAGULAT SA LAKI NG KORUPSIYON SA DUTERTE GOV’T.—Hindi fake news ang sinabi nina Lacson at Tulfo na sobrang grabe na ang nagaganap na korupsiyon sa Duterte gov’t. kasi mismong Office of the Ombudsman na ang nagpapatotoo na talamak ang katiwalian ngayon sa pamahalaan.
Ayon sa sinabi ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos, noong August 15, 2019, na base sa isinagawa nilang imbestigasyon ay higit P700-B ang nakukurakot ng mga “buwaya” yearly sa kaban ng bayan.
Ibig sabihin, kahit ang Office of the Ombudsman, shocking sa natuklasan nilang matinding korupsiyon na nagaganap sa ilalim ng Duterte gov’t., period!
◘◘◘
‘IKA NI MON TULFO, KAHIT PAGSAMAHIN ANG KURAKUTAN SA fvr GOV’T. HANGGANG P-NOY GOV’T. WALANG BINATBAT ITO SA KORUPSIYON SA DUTERTE GOV’T.—Hindi lang si Lacson ang nagsabing grabe na ang korupsiyon ngayon. kasi kahit ang matalik na kaibigan ni P-Duterte na si veteran journalist Mon Tulfo ay nagsabi rin noong August 29, 2020, na pagsama-samahin man ang korupsiyon mula sa panahon ni ex-Pres. Fidel V. Ramos hanggang sa panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino, mas malupit ang kurakutan ngayon sa Duterte gov’t.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni Mon Tulfo, na pabida lang ni P-Duterte ang madalas sabihin nito na “hate niya ang korupsiyon”, boom!
◘◘◘
KUNG HINDI NAG-INGAY ANG TAUMBAYAN SA P3,629.50 PRESYO NG SINOVAC, NADUGASAN NA NAMAN NG P16-B ANG KABAN NG BAYAN—Buti na lang, araw-araw na binabatikos ng publiko sa mainstream media at netizens sa social media ang unang iprinisyo ng pamahalaan na P3, 629.50 sa presyo ng made-in China na Sinovac kasi kung hindi nag-ingay dito ang taumbayan, malamang ay nadugasan na naman ang mamamayan.
Mantakin n’yo ang laki ng overpriced, P3, 629.50 iprinisyo, gayung, P700 lang pala ang totoong presyo ng Sinovac.
Sabi nga ni Lacson, kung hindi nag-ingay ang mamamayan at nakalusot ang P3, 629.50 presyo ng Sinovac, malamang ay tiba-tiba ang mga kurakot kasi higit P16-B na pera ng bayan ang pagpaparte-partehan ng mga buwaya sa pamahalaan, boom!





Comments