Ombudsman sa Sandiganbayan: Piyansa kay Bong, bawiin
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 7, 2026

Photo: LTFRB / File
Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan Third Division na baligtarin ang nauna nitong desisyon na nagpapahintulot kay dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa sa kinahaharap nitong kasong malversation kaugnay ng umano'y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Sa isinumiteng partial motion for reconsideration noong Agosto 5, iginiit ng mga prosecutor ng Ombudsman na si Revilla ang tumanggap ng “lion's share of the proceeds” o pinakamalaking bahagi ng umano'y kinita mula sa maanomalyang proyekto, kahit nanatili umano itong “incognito” o hindi lantad sa pagpapatupad nito.
Ayon sa prosekusyon, ang umano'y paghingi ni Revilla ng mga “project commitments” ang nagsilbing simula ng buong operasyon na nagbunga ng paghahanda ng listahan ng mga proyekto, pagsasama ng mga ito sa General Appropriations Act (GAA), at pagpapalabas ng pondo ng gobyerno.
Iginiit ng Ombudsman na kung wala ang umano'y paghingi ni Revilla ng mga commitment, wala sanang batayan upang maisama ang mga proyekto sa pambansang badyet at wala ring dahilan upang gumawa ng mga umano'y pekeng dokumento para maipalabas ang pondo ng publiko.





Comments