top of page
BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG
Search

ni Jeff Tumbado @News | August 7, 2026



Jeepney, passenger and driver - LTFRB

Photo: LTFRB / File



Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan Third Division na baligtarin ang nauna nitong desisyon na nagpapahintulot kay dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa sa kinahaharap nitong kasong malversation kaugnay ng umano'y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.


Sa isinumiteng partial motion for reconsideration noong Agosto 5, iginiit ng mga prosecutor ng Ombudsman na si Revilla ang tumanggap ng “lion's share of the proceeds” o pinakamalaking bahagi ng umano'y kinita mula sa maanomalyang proyekto, kahit nanatili umano itong “incognito” o hindi lantad sa pagpapatupad nito.


Ayon sa prosekusyon, ang umano'y paghingi ni Revilla ng mga “project commitments” ang nagsilbing simula ng buong operasyon na nagbunga ng paghahanda ng listahan ng mga proyekto, pagsasama ng mga ito sa General Appropriations Act (GAA), at pagpapalabas ng pondo ng gobyerno.


Iginiit ng Ombudsman na kung wala ang umano'y paghingi ni Revilla ng mga commitment, wala sanang batayan upang maisama ang mga proyekto sa pambansang badyet at wala ring dahilan upang gumawa ng mga umano'y pekeng dokumento para maipalabas ang pondo ng publiko.


 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 28, 2024



  • Bong Revilla PR relief

Personal na Nakiramay si Senador Ramon Bong Revilla Jr sa mga kababayang namatayan at sinalanta ng bagyong Kristine nang magtungo ito sa Naga at iba't ibang bayan sa Camarines Sur.


Ayon kay Revilla, nakikidalamhati sya sa masakit at Matinding pagsubok na sinapit ng mga kababayan sa Naga.


“mula po sa akin, kasama na ang aking pamilya, ay gusto ko pong ipaabot sa inyo aming mahigpit na pagyakap! Hindi po kayo nag-iisa sa mga panahon na to. Kasama niyo kaming titindig para sa inyong muling pagbangon,” ani Revilla.


Sa buong Bicol Region, aabot sa 28 katao ang namatay habang 78 lügar ang isinailalim sa state of calamity.


Hinimok ni Revilla ang mga kababayan na sa Kabila ng trahedya, wag mawalan ng pag-asa at sama samang bumangon.


“Napakahirap po ng pinagdaan ng bawat isa. Sobrang nakakahabag ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan. Nakakalungkot. Sa totoo lang po, hindi ko lubos maisip ang tindi at hirap na nararanasan ngayon. Ang sakit isipin ang sinapit ng ating mga kababayan, ayon pa sa Senador.


Kanina personal na nag abot si Revilla ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo


Namahagi sya ng mga tubig, relief packs at iba pang pagkain para sa mga kababayan


Natagalan Aniya ang pagdadala ng tulong dahil madami pang kalsada at tulay ang nasıra at hindi madaanan dahil sa hagupit ni Kristine.


“Basta tatandaan niyo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag–iisa sa pagbangon at muling pagsisimula” dagdag pa ni Revilla.

 
 

by Info @News | Sep. 21, 2024



Showbiz News

Polls September 20, 2024 – The country’s dominant political party Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) named veteran lawmaker Senator Ramon Bong Revilla, Jr. as its official senatorial candidate in the upcoming 2025 midterm elections.


In a resolution adopted during the party’s national convention held in Malacañang, Revilla was nominated as the sole candidate of LAKAS-CMD in their bid for a position in the upper chamber of Congress. Revilla, who currently sits as the chairperson of the party, accepted the endorsement and thanked LAKAS-CMD President House Speaker Ferdinand Martin Romualdez and his other party-mates for the trust they once again bestowed on him.


“It is with beaming gratitude that I humbly accept the nomination of our beloved party to be its candidate for senator in the upcoming 2025 midterm elections. I am deeply grateful for the trust and support of our esteemed party president, my dear friend, Speaker Martin Romualdez,” Revilla said.


“Mga kasama, hangad ko na patuloy tayong magtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan. Ang tiwala na muling ibinigay ninyo sa akin ay isang responsibilidad na buong puso kong tatanggapin at dadalhin,” he added. Revilla continued in praising Speaker Romualdez and highlighted his contribution to the party’s gains in recent years.


“Under Speaker Martin's leadership, our party has reached an unprecedented level of solidarity. Through him, our commitment to the mission of our organization has grown stronger than ever. He is the key to why Lakas is now the ruling party of our nation! And because of this, I can confidently say to all of you, we are truly in good hands,” the LAKAS stalwart said. The solon has been with the party since his days as vice governor of the Province of Cavite, accounting to a total of 30 years of membership.


“Mula po sa aking unang hakbang sa paglilingkod, ang ating partido ang nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon upang tumindig at maglingkod. Hindi ko po iniwan ang ating samahan, kahit sa mga panahong hindi maginhawa at puno ng pagsubok.


Sa bawat laban, sa bawat pagkakataon, I remained steadfast – because I am a loyal soldier of the party, but more importantly, I am a loyal servant of the people,” Revilla recounted. “Throughout my political journey, I have been part of this great party.


Tatlong dekada na po ako sa partidong LAKAS,” he stressed. LAKAS-CMD is one of the major political parties that formed an alliance with President Ferdinand R. Marcos’s party, the Partido Federal ng Pilipinas, in preparation for the next year’s polls.


Revilla, who will be seeking his 4th term in the Senate, is an accomplished lawmaker who is the champion behind landmark laws such as ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ (RA 11997), ‘Expanded Centenarians Act’ (RA 11982), ‘No Permit, No Exam Prohibition Act’ (RA 11984), ‘Free College Entrance Examinations Act’ (RA 12006), and ‘Permanent Validity of the Certificates of Live Birthday, Death, and Marriage Act’ (RA 11909). -30-

 
 
RECOMMENDED
bottom of page