top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Olympic bound at Hopeful athletes, waiting sa ok ng IATF para sa ensayo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2020
  • 3 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 23, 2020




Patuloy pa ring maghihintay ng approval mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang mga Olympic bound at Hopeful national athletes bago ito tuluyang makapagpatuloy muli ng harapang pagsasanay bilang paghahanda sa mga darating na Olympic Qualifying Tournaments at Tokyo Games sa susunod na taon.


Magdedepende pa rin umano sa IATF ang desisyon kung kailan nito mabibigyan ng go-signal ang lahat ng 19 national sports associations (NSAs) na itinutulak ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) na may pag-asa pang makakuha ng ticket para sa prestihiyosong multi-sport quadrennial meet na nakatakda sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.


Let’s focus on 19-NSA’s that will still have chance for the Olympics,” pahayag ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, Martes ng umaga, sa lingguhang PSA Forum sa online-virtual session “We are still coordinating with the PSC, kase sa kanila muna daraan ‘yan going to the IATF and we are hoping that the request of approval for the resumption of training of those 19 NSAs will soon be allow by the IATF, together with GAB (Games and Amusement Board),” dagdag nito.


Umaasa ang 56-anyos na Kongresista mula sa ika-8th distrito ng Cavite, na nag-anunsyo rin ng muling pagtakbo sa pagka-presidente sa darating na POC election sa Nobyembre 27; na ibababa na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang kabuuan ng National Capital Region (NCR) upang mabigyan na ng pagkakataon ang mga piling national athletes na makapagsanay sa napiling lugar ng kanilang NSA heads.


Hopefully by next month MGCQ na so that maging tuloy-tuloy na ang training ng mga athletes natin. Siyempre health and safety pa rin ang pinag-uusapan natin, unless kung we can give a better venue for the (athletes),” wika ni Tolentino, na siya ring pinuno ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling).


Tiwala si Tolentino na patuloy na matutustusan ng PSC ang pagsasanay ng mga Olympic bound at hopeful athletes dahil may nakalaan ng pondo para sa mga ito para sa 2020 budget na gagamitin sana kung sakaling natuloy ang 2020 Tokyo Olympics ngayong taon.


Matatandaang nagbalik ng pondo mula sa Bayanihan Act I ang ahensya ng pampalakasan ng aabot sa P596 million mula sa National Sports Development Fund at P773 million sa General Appropriations Act (GAA) bilang pagtulong sa pandemya. Ngunit, sinabi ni Tolentino na nakapagtabi pa si PSC Chairman William “Butch” Ramirez para sa mga preparasyon at pagsasanay.


I think may budget yan up to December 2020 na natitira pa kase hindi naman natuloy ang Olympics this year, So hindi naman nagalaw ‘yun. Alam ko nagtabi pa si chairman Butch for that kase ina-anticipate rin niya kase ‘di natuloy, So kakaunti pa lang nagagalaw roon,” saad ng sports official. “So, kung payagan yan this October [training ng athletes], Definitely meron pang magagamit na pondo for Oct-Dec training. ‘Yung 2021, continuing training nun, that will be covered by the 2021 budget ng PSC,” dagdag nito.


Apat na miyembro na ng pambansang koponan na binubuo nina Ernest John Obiena ng pole vault, Carlos “Caloy” Yulo ng gymnastics, national boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga nakakuha na ng ticket sa 32nd quadrennial meet.


Aasa naman ng mga qualifying tournament sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, 2019, World Champion Nesthy Petecio, Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding, 4-time Southeast Asian Games champion Kiyomi Watanabe ng Judo, national boxers Riza Pasuit, James Palicte at Ian Clark Bautista; Taekwondo jins Pauline Lopez, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Samuel Morrison at 2016 Rio participant Kirstie Alora; Junna Tsukii, Jamie Lim at Joane Orbon ng Karate; Jason Baucas, Noel Norada, Alvin Lobrequito at Jiah Pingot ng Wrestling, Ariana Dormitorio at Danny Caluag ng cycling; golfers Yuka Saso at Clarisse Guce; swimmers James Deiparine, Luke Gebbie, Remedy Rule at Jasmine Alkhaldi; Kristina Knott, Eric Gray, William Morrison, Natalie Uy, at Christine Hallasgo ng Athletics; rowing team, at 3x3 men’s basketball squad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page