top of page
Search
  • BULGAR

Olats sa pagka-VP… IBINUKING NG ANAK: SEN. TITO, ARAW-ARAW NAGGO-GOLF

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 29, 2022



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap namin ang second daughter nina former Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa na ngayon ay na-appoint bilang bagong Movie and Television Review and Classification Board chairwoman na si Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio over lunch sa Mario’s Restaurant last Wednesday.


Napaka-candid niyang kausap at pamilyar ang boses niya especially kapag tumatawa siya. May hawig kina Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion, pero katunog na katunog ng youngest sister niyang si Ciara Sotto.


Habang kausap namin si Chair Lala, very evident ang hawig niya sa kanyang very beautiful mom na si Ms. Helen. Siya pala ang nagmana ng beauty at ng mala-Snow White na kutis ng kanyang ina.


Siyempre, puspos ng magagandang payo si Chair Lala mula sa kanyang mga magulang at iba pang mga elder members ng Sotto at Gamboa families.


“'Yung mga paalala and advice sa akin ng aking magulang and the elders in my family, nagsimula ‘yan 22 years ago nu’ng unang pumasok pa ako ng politics. So, ngayon, it’s just ‘yung mga simple reminders na lang about humility, about being sensitive to other’s feelings and needs; about diligence and be contentious with your work; doing and working at it with all your heart; and working that is glorifying to the Lord. So, ‘yun ‘yung mga paalaala sa akin ng mga magulang ko na paulit-ulit,” masayang sabi ni Chair Lala.


Ang tinutukoy ni Chair Lala na 22 years ago na pagpasok niya sa pulitika ay nu’ng naging konsehal siya for nine years sa District 6 and another nine years sa District 3 ng Quezon City. At naging Chief of Staff din siya sa kanyang ama sa Senado.


Ikinuwento ni Chair Lala kung paano siya nailuklok bilang bagong head ng MTRCB.


“Wala naman po akong naisip na, ‘Bakit ako,’ ganyan. I’m just confident na siguro, well, napapag-usapan, may talks, and then, meron naman akong isinubmit na CV form. Naririnig naman siguro kahit papa'no ‘yung aking paninilbihan bilang konsehal sa loob ng 18 taon and then my foundation has been there, aking itinatag noong 2000.


"Plus, I don’t deny the fact that it is such a great blessing to be my father’s daughter. So, I don’t know po kung ano ‘yung naging basis nila. Basta’t nagpapasalamat lang ako sa Panginoon sa oportunidad na ibinigay sa akin at sa ating mahal na pangulo, President Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang pag-atang sa akin bilang maging pinuno ng MTRCB,” pahayag niya.


Nagkaroon ng kalituhan nu’ng magsimulang kumalat ang mga presidential appointees especially sa hanay na may kinalaman sa movies, culture and arts.


Bago nanumpa si Chair Lala ay mabilis na kumalat ang balitang may bago nang MTRCB head sa katauhan ng aktor na si Johnny Revilla, na appointee ni former President Rodrigo Duterte as a board member, kapalit ni dating Chairman Jeremiah Jaro.


Pero sa ngayon, everything seems going smooth sa pag-upo ni Chair Lala sa MTRCB. Nag-reach out daw sa kanya si Atty. Jaro the moment na nalaman nito na nanumpa na si Chair Lala sa Malacañang.


“So, I’m very thankful na ganu'n siya. Kasi naging madali talaga para sa akin. So, right now, I’m still in the process of that, hindi naman sa pamamana pero ngayon, kinakaharap ko na ‘yung mga naiwan niya na gustong ituloy. ‘Yung magagandang talks, ipinagpapatuloy namin.


Pero he promised me that he’s just one call away. And I’m blessed din kasi ‘yung naabutan ko na Board members is a working board. So, lahat sila, talagang nagmamalasakit sa MTRCB, sa ating country and sa industry. Everybody has been very helpful and very welcoming.”


Dagdag pa niya, “I want MTRCB to be known as a partner parent at home of parents especially those who are busy working, making livelihood for their families. I want to ensure, that’s the main goal, to ensure the safe viewing experience for our children.”


Hindi raw niya masasabi kung mas mahigpit sila ngayon in terms of rating shows and classifying films.


"I wouldn't want to compare my being a chairman to the previous ones. I feel I have big shoes to fill, actually, because I choose to emulate na lang... hehe... instead, ang ating butihing senadora, Senator Grace Poe. And also, the chairmen who came after her did a great job din naman. So, alam ko, lahat magaganda ang mga nagawa sa MTRCB."


On a personal note, kahit isa siyang showbiz royalty na maituturing, hindi niya sinubukang sundan ang yapak ng kanyang mga magulang. She always wanted daw talaga na ma-involve sa public service. Although, nu’ng bata raw siya ay ginusto naman niyang mag-artista.


Chair Lala is happily married sa ama ng kanyang nine-year-old daughter. May 19-year-old daughter din siya from a previous marriage.


Tungkol naman kay former Sen. Tito, mas masaya raw ngayon ang kanyang ama.


“Mas marami siyang oras para sa mga anak niya at sa kanyang mga apo na nae-enjoy niya. At wala siyang ginawa kundi mag-golf araw-araw.”


'Yun na!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page