top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Oks sa 'yo, Ion? KAYE, TYPE NG MADIR NA MAGING NANAY NG ANAK NI VICE

  • BULGAR
  • Mar 17, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 17, 2021




Magkahalong emosyon ang naramdaman ng mga netizens sa part 2 ng vlog ni Vice Ganda kasama ang kanyang ina sa kanyang YouTube channel.


May mga natawa at nakurot ang puso, ayon sa kanilang mga comments. Natawa dahil sa komiko at may patulala reaction ng ina ni Vice na si Mommy Rosario sa mga nakakawindang na tanong at statement ng It's Showtime host.


Unang ikina-shock ni Mommy Rosario ay nu'ng tanungin siya ni Vice kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nagpa-sex transplant ang anak.


Hindi agad nakasagot si Mommy Rosario.


"Eh, kahit ayaw ko, anak, kung gusto mo, ano'ng magagawa ko? Katawan mo 'yan...hehe," sagot ni Mommy Rosario.


Next question ni Vice sa ina, "Ito 'yung totoo. Gusto mong magkaapo sa akin?"


Mabilis ang sagot ni Mommy Rosario at mukhang may nakahanda na.


"Gusto ko nga, anak, kasi iniisip ko, sayang itong mga ipinundar mo, Anak, na walang magmamana."


"Tagapagmana talaga ang inisip mo," sabi ni Vice kay Mommy Rosario.


Tugon naman ng ina, "Oo, anak. Eh, kanino mapupunta ito? Kami nama'y patanda, oh. Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. Pero iba talaga, Anak, 'yung may sarili ka. Kaya nga si Joel Cruz ba 'yun, 'yung may... (mga anak) oo. Nu'ng nabalitaan ko, sabi ko, 'Ay, naku, sana si Tutoy (pet name kay Vice ng kanyang pamilya), ganito rin. Ang kukyut ng mga anak."


Tinanong ulit ni Vice ang ina kung halimbawang may isang artistang babae na puwedeng mabuntis niya, sino raw ang gusto ni Mommy Rosario?


May ideya na si Mommy Rosario sa gusto niya, kaya lang, na-"lost in paradise" sa isip ng ina ni Vice ang pangalan ng naturang artistang babae.


"Ano 'yung pangalan nu'ng artista? 'Yung simpleng-simple lang siya na gusto mo rin noong araw?"


Ang tinutukoy pala ni Mommy Rosario ay ang former Tabing Ilog star na si Kaye Abad.

"Kaye Abad, ano ba? Beke nemen puwede nating pagbigyan ang nanay ko," birong sabi ni Vice.

Siyempre, 'di papayag ang guwapong mister ni Kaye na si Paul Jake Castillo.


Instead of Kaye na happily married na, bakit hindi na lang sina Bea Alonzo at Julia Barretto, tutal ay pareho na nilang gustong magka-baby? Si Bea nga, sinabi pa sa isang interbyu na mas gustong magka-baby kesa magka-dyowa.


Anyway, pagkatapos tumawa ng mga netizens sa tsikahan ng mag-ina, marami naman ang na-touched nang pag-usapan na nila ang pagpunta sa Amerika ni Mommy Rosario.

"Bakit ka umalis?" diretsong tanong ni Vice.


Hindi naman daw intensiyong umalis ng ina at iwan si Vice sa Pilipinas.

"Pero kasi, nu'ng buhay pa ang tatay mo, talagang gusto kong makarating sa Amerika para makatulong sa income. Kasi nga, naglalakihan na kayo. Siyempre, ang nasa isip ko (ang) pagkain, puwede kong paghati-hatian sa inyong magkakapatid. Pero oras na pumasok na kayo sa kolehiyo, hindi ko na kayang mahati-hati 'yun. Eh, kakapirot ang income. Eh, ang lola mo, 'andoon, and I want to take advantage of that," paliwanag ng ina ni Vice.


Naisip naman din daw ni Mommy Rosario na kapag umalis siya, sino'ng mag-aalaga sa mga anak? Hati raw ang puso niya sa pag-alis, pero mas nanaig ang pagpo-provide sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak kesa magkakasama sila.


"Ang pinagsisihan ko ay 'yung hindi ko nakita, dahil ikaw 'yung pinakamaliit, hindi ko nakita ang paglaki mo. Ikaw sa lahat ang hindi ko nasubaybayan. 'Yun ang regret ko, Anak," maluha-luhang pahayag ng ina ni Vice.


Dahil sa mga sinabi ni Mommy Rosario, napabilib sa kanya ang mga netizens.


"Grabe, Manay Rosario is such a strong woman. Her love is so unconditional."

"Para akong baliw, kumakain habang umiiyak. Nakaka-relate ako sa topic na nangungulila sa magulang."


After ng madramang tsikahan ng It's Showtime host sa kanyang ina, may mga nagre-request naman na next na isama ni Vice sa kanyang vlog ay ang kanyang mga kapatid.







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page