top of page
Pokwang.jpg

Oks na sa Mercedes Benz… PAMANANG EROPLANO NI WILLIE, INAYAWAN NI MERYLL

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2020
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 7, 2020




Sobra-sobra na nga ang naipon at naipundar ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa kanyang apat na anak at para na rin sa kanyang sarili at sa iba pa niyang kaanak. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan.


Hindi na mabilang ang naipamahagi niyang tulong kapag may kalamidad na dumarating sa bansa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, maraming relief goods ang naipadala ni Revillame sa mga evacuation centers. At nang mag-lockdown sa Metro Manila dahil sa Covid pandemic, maraming jeepney drivers ang hindi nakapasada at nakapaghanapbuhay.


Limang milyong piso ang ibinigay ni Willie para pantulong sa mga jeepney drivers. Maging nang nanalasa ang Bagyong Rolly at Ulysses at maraming bayan ang binaha, isa rin si Willie sa mga nagbigay ng ayuda.


Milyones ang nagagastos ni Revillame sa kanyang mga charity. Kung anuman ang pumapasok na kita niya sa kanyang show ay isine-share niya sa mga nangangailangan.

Kuwento nga ng anak ni Willie na si Meryll Soriano, siya mismo ay hindi makapaniwala na susuwertehin nang husto at yayaman nang todo ang kanyang Papa Willie. Nakita ni Meryll ang hirap na pinagdaanan ng kanyang ama noon. Ni wala nga raw itong pambili ng toothbrush. Tapos ngayon, may private plane and chopper na, may resort pa sa Puerto Galera. May rest house din sa Tagaytay Highlands, may mansion at may collection pa ng luxury cars.


Nakita ni Meryll kung gaano kasipag at ka-dedicated sa kanyang trabaho ang kanyang papa at deserve raw nito ang mga kaginhawahan na tinatamasa ngayon.


Niregaluhan daw ni Willie ng Mercedes Benz si Meryll. At ayaw naman niya na patuloy na dumepende sa ama. Sakali raw na ipamana sa kanya ni Willie ang private plane nito, hindi niya tatanggapin. Masyado raw mahal ang pag-maintain ng eroplano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page