Oks lang kay Marco, proud BF pa… CRISTINE, NAGBUYANGYANG NA ULI
- BULGAR
- Oct 9, 2023
- 1 min read
Updated: Oct 10, 2023
ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 09, 2023

Viral ang larawang ipinost ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram account kung saan naka-two-piece bikini ang aktres.
Ang nasabing larawan ay kuha ng boyfriend na si Marco Gumabao.
Na-mesmerize ang actor sa beauty at kaseksihan ng girlfriend.
Ang dami namang komento na natanggap si Cristine mula sa mga netizens.
Isa si Marco sa mga nagkomento sa kuha niyang larawan.
Nilagyan ni Cristine ng caption ang picture na tila niyayaya ang actor, "Halika na, dito tayo sa Mithi."
"Makapag-diet na nga ulit," ani Marco with laughing emoji.
Sey naman ng isang netizen, "Bumalik na 'yung Cristine noon na inidolo ko, iba talaga ang ganda 'pag nasa tamang tao. Happy for you."
Karamihan naman sa mga nagkomento ay pawang kalalakihan na fire/hot emojis ang inilalagay.





Comments