top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Oks lang kahit walang show, 'di nagpa-panic… NADINE AT LIZA, NASA P200 MILYON MAHIGIT ANG YAMAN

BULGAR
Mar 20, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 20, 2022



Noong kasagsagan ng kanilang kasikatan, dagsa ang product endorsements nina Nadine Lustre at Liza Soberano. May mga TV projects at pelikula rin silang nagawa. Milyones ang kanilang talent fee kaya hindi na nakapagtataka kung malaki ang kanilang naipon.


Si Nadine, balitang nasa P200 million ang net worth, samantalang si Liza naman ay P250 M. Kaya naman, can afford si Liza na tumangging magtrabaho noong panahon na may COVID pandemic.


Kahit na ang ibang artista ng ABS-CBN ay nagsilipatan na sa ibang TV network at nagkaroon ng mga shows, kuntento si Liza sa kanyang tahimik na buhay. Hindi siya nag-aalala at nagpa-panic. Mas binigyan niya ng prayoridad ang kanyang kalusugan at kaligtasan. Hindi siya nagmamadaling bumalik agad sa trabaho kahit na maraming artista na ang sumabak sa teyping at shooting.


So far, hindi pa naman nawawala sa sirkulasyon si Liza kahit wala pa siyang regular TV show. Kilala pa rin naman siya ng lahat at mukhang hindi siya mapipilit ng sinuman na magbalik-showbiz na.


Samantala, si Nadine Lustre naman ay piling-pili na rin ang tinatanggap na projects ngayon. Nagagawa na rin niyang magbakasyon kapag gusto niya. May naipundar na rin naman siyang properties kaya kahit paano ay secured na ang kanyang future. Hindi na niya kailangan na magpaalipin sa kanyang trabaho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page