Oks lang kahit lapitan ng fans… KC, HAPING-HAPI NA NAMAKYAW NG ISDA AT PRUTAS SA PALENGKE
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 10, 2025
Photo: KC Concepcion - IG
Aktibo na naman ang YouTube (YT) vlog ni KC Concepcion. Sa bago niyang upload sa kanyang Instagram (IG) page ay makikita ang pagbisita niya sa Farmers Market.
Aniya, “NEW VLOG UP! Ready for another market trip to continue our PALENGKE SERIES?
“Hi, loves! It's another fun palengke market day for us! First time ko sa Farmers Market in Quezon City, and wow, I had the best time!”
Inikot ng mega daughter ang buong palengke ng Farmers.
“From fresh veggies to freshly caught seafood to a huge variety of fruits... napa-shopping na naman ako,” sey ni KC.
Kuwento pa niya, “Nag-grocery ako ng slightly extra sa Farmers Market, Cubao! Catch me buying veggies I can’t pronounce, and gutting a fish because... my life skills unlocked sa pagda-daing ng bangus. The lobsters were sooo nice. I didn’t want to steam them... Hahaha! Need ko lakasan ang loob ko.”
May pahabol pa ang mega daughter ni Sharon Cuneta, “P.S. Non-Filipino friends just hit ‘CC!’ Subtitles are clear & made with love by me. Keep your Subtitles On! I write them myself so you won’t miss a thing!”
May bago rin siyang natutunan sa kanyang pamamalengke.
“Yes — natuto tayong mag-debone ng ‘bangus’ (shoutout to Nanay Malou) na perfect for daing na bangus!” sabi niya.
“Lahat para sa pagmamahal sa pagluluto ng ating Philippine at Southeast Asian na pagkain, at s’yempre, pagpapakita ng suporta para sa ating mga lokal na magsasaka at mangingisda!” sey niya.
Na-enjoy din ng actress-host ang pagluluto ng seafood sa Dampa.
Aniya pa, “We had the most amazing Farmers Market palengke day and sobrang happy ko dahil namakyaw na naman tayo so let’s support local. Let’s support our farmers.”
Dati, bumisita na si KC sa Salcedo Market, ang open-air weekend market sa Makati.
Para sa araw na iyon, bumili si KC ng mga bulaklak, mga mangkok at plato na gawa sa kahoy, at iba’t ibang prutas. Nasiyahan din siya sa mabilisang pagkain ng Thai food.
Samantala, nagmuni-muni si KC kung bakit napakaespesyal sa kanya ng Salcedo Market.
Aniya, “We did it! Shopping check. Walking check. Bonding check. We just love Salcedo Market not just for vibes but how it gives access to fresh and affordable food, at the same time promoting local and also international products. At bukod d’yan, they offer a space for friends and family to just hang out.”
Komento ng mga netizens:
“Grabe namang ganda ng customer na ‘yan.”
“‘Yung binawalan ni KC ang guard na ‘wag paalisin ‘yung mga lumalapit sa kanya ay winner talaga, sobrang bait!”
“Done watching — it brings back Simply KC days, grabe ang good vibes sa mga tao! Literal na pangmasa, loved by many. Riding in MRT next,” request ng isang commenter.
Bongga!
PINASALAMATAN ni Joaquin Arce ang stepmom niyang si Angel Locsin na pinutol ang kanyang social media hiatus para ipakita ang suporta sa kanya. Nag-post kasi si Angel sa kanyang IG Story bilang suporta sa pagpasok sa showbiz ng anak ng mister na si Neil Arce.
Komento ng mga netizens sa pagpasok ni Joaquin sa showbiz…
“Nepo baby. Sorry, hindi sorry. Ito ay tungkol sa mga koneksiyon ngayon. Sana magpakita sila ng totoo at hindi hilaw na talento.”
Marami naman ang naguguwapuhan sa young actor.
Samantala, napuna naman ng ibang mga netizens na nagte-trending si Angel kahit hindi pa bumabalik sa showbiz.
“Grabe, trending si Angel, story lang ‘yun. What more kung bumalik na s’ya.”
“True, ang daming nanginginig sa inggit na ibang nagpi-feeling-sikat ngayon.”
“Sana, lumitaw na si Angel kasi napapanaginipan ko na s’ya palagi, nakanang!”
“Instant mom na pala si Angel.”
“True! And thankful s’ya (Joaquin) sa stepmom n’ya.”
At kung pagbabalik-showbiz lang din ang pag-uusapan, tila hindi lang si Joaquin Arce ang aabangan, kundi pati na rin ang posibleng pagbabalik ng “real-life Darna” sa showbiz na si Angel Locsin.
Comments