- BULGAR
Oks daw sila ng BF, pero… JANELLA AT ANAK, NAG-BONDING SA PALAWAN, MARKUS, OUT!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 24, 2022

Kamakailan lang ay nasa Boracay si Janella Salvador at ang anak niyang si Jude Trevor, ngayon naman ay nasa El Nido, Palawan silang mag-ina.
Sakay ng yate, makikitang sobrang nasabik ang young momshie sa kanyang one-year-old son na si Baby Jude kasama ang ilang kaibigan ni Janella, pero without Markus Paterson.
A week ago lang ay nagsalita na si Janella hinggil sa rumored breakup nila ng aktor. Sa panayam sa aktres, sinabi niyang aware siya sa espekulasyon ng publiko sa estado ng kanilang relasyon.
"Pero siguro, I'm asking people to give us more time, i-respect kung anuman 'yung nangyayari," sey ni Janella.
Dagdag pa niya, "We're okay, we're totally okay."
Eh, saan daw nanggagaling ang tsismis na hiwalay na sila?
"Well, siguro, hindi na maiiwasan na people will talk. Pero ayun nga, I hope people will respect our privacy as of now. And, eventually naman... Respect our privacy lang muna. But we're okay."
May nakainterbyu rin naman sa partner ng aktres.
Ani Markus, "We're very good."