top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Oks daw na may choice ang manonood… COCO, KAMPANTE SA TAPATAN NILA NI DINGDONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 16, 2026



LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB Robin Padilla & Kiko Pangilinan

Photo: File Coco Martin



Balik-taping na ang Sigabo at balitang this June na ito eere sa Kapamilya channel. 


Tungkol naman sa intrigang naalarma raw ang CCM Production at si Coco Martin mismo sa very high and positive reception sa action-series ni Dingdong Dantes na The Master Cutter (TMC) sa GMA-7, sey ni Coco, “Everybody is welcome. Maganda nga ‘yan dahil may choice ang mga televiewers. 


“Happy ako, kami, sa pagbabalik-action ni Dingdong sa TV. Iba ‘yung sa kanila, iba ‘yung sa amin. Ang mga tao naman ang maghuhusga r’yan. Basta kami, gagawin namin ang lahat para muli silang pasayahin at bigyan ng de-kalidad na series.”


Sinegundahan ito ng “misis” niyang si Julia Montes sa pagsasabing very proud siya kay Coco hindi lang sa pagiging very hands-on producer-director-actor nito. 


“Sobra s’yang maalaga, madetalye at nakaka-amazed ang sipag. Mabilis gumana ang utak at talagang subsob sa trabaho. Kaya sure na maganda ang resulta ng ginagawa namin at magugustuhan talaga ng marami. 


“Besides, kilala na ‘yung brand n’ya at tested na kumbaga, ‘di ba?” dagdag pa ng aktres.





MARAMI ang nagtatanong kung bakit ayaw ipakilala sa madla ng aktres na si Sanya Lopez ang kanyang non-showbiz boyfriend.


Proud kasing inamin ni Sanya na hindi na siya NBSB (No Boyfriend Since Birth) kundi isang ‘happy girlfriend’ na.

Sa show ni Kuya Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay tila isang teen-ager si Sanya na nagkukuwento kung paano raw palang ‘masarap at masaya’ na may dyowa.


At dahil first time nga niyang maging open sa public hinggil sa kanyang boyfriend ngayon, nakiusap ang aktres na huwag nang i-reveal ang identity ng lalaki lalo’t non-showbiz naman daw ito.


“Meron po kasi kaming agreement na kahit man lang ‘yun ay ‘wag naming i-reveal o i-share sa public. Ang importante po ay honest ako sa pagsasabing ‘HAPPY GF’ po ako sa ngayon at let it stay that way po sana,” pakli ni Sanya.


Subali’t may mga kasamahan sa showbiz bukod daw sa mga kapamilya ni Sanya na nakilala na’t nakasalamuha na ang sinasabing boyfriend niya.


“Maybe in time, soon?” ang kinikilig pa nitong pahayag sa kung darating ba ang time na makikilala rin ng publiko ang kanyang mahal.


Kaya naman sa naturang interview din ay binigyan siya ng ‘tips’ ni Jane Oineza, na ninanamnam naman ang 6 years na nitong relationship sa magaling at guwapo ring aktor na si RK Bagatsing.


Paalala ni Jane sa Kapuso actress, “Everyday, kailangan n’yong piliin ‘yung isa’t isa. I think ano lang naman ‘yan, everyday, kailangan n’yong piliin ‘yung isa’t isa kasi may mga araw naman na ‘di tayo in our best behavior,” saad pa ni Jane.


Magkasama sa pelikulang Midnight Girls (MG) sina Jane Oineza at Sanya Lopez, kasama pa sina Jodi Sta. Maria at Loisa Andalio na palabas na sa maraming sinehan sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page