top of page

Oklahoma at Kansas, nasa state of emergency dahil sa wildfire

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 1 min read

by Jenny Rose Albason @Overseas News | February 20, 2026



Oklahoma at Kansas wildfire - Weather com

Photo: The Weather Channel / weathercom



Maraming residente ng Tyrone, Texas County, Oklahoma ang inatasang lumikas dahil sa mabilis na pagkalat ng wildfire, na nagdulot ng malawakang pinsala sa mga lupaing sakop ng Oklahoma at Kansas. Ang Tyrone ay nasa ilalim ng Level 3 evacuation order (“GO NOW”).


Ayon sa Oklahoma Forestry Services at Department of Emergency Management, ang pinakamalaking sunog, na tinatawag na Ranger Road Fire, ay umabot na sa humigit-kumulang 145,000 acres, habang ang iba pang apoy sa Texas County ay nasunog din ng libu-libong ektarya. Ang malakas na hangin at tuyong kondisyon ng panahon ang nagpahirap sa mga bumbero, at iniulat na ilan sa kanila ang nasugatan habang tinutugis ang apoy.


Nagtulung-tulong ang mga bumbero mula sa iba’t ibang estado upang kontrolin ang sunog. Nagdeklara rin ng state of emergency ang gobernador ng Oklahoma para sa mga apektadong county, kabilang ang Beaver, Texas, at Woodward, upang ma-mobilize ang karagdagang resources at tulong pederal.


Libu-libong residente ang nailikas at patuloy ang efforts ng mga otoridad upang mapigilan ang pagkalat ng apoy at matulungan ang mga apektadong komunidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page