top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Oil spill sa Puerto Princesa

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 2, 2023
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 2, 2023




Naagapan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill sa pantalan sa Puerto Princesa matapos makita ang nakalutang na langis sa lugar.


Ayon sa PCG, agad silang nagsagawa ng paglilinis sa lugar at naglagay ng oil spill booms sorbent pads upang agad na mapigilan ang posibleng pagkalat nito.


Unang napansin ng mga tao sa pier ang langis kaya agad na ini-report ito sa PCG.


Nakakolekta ang mga tauhan ng PCG ng dalawang drum ng oil spill mula sa tubig sa pier.


Inaalam pa ng PCG kung ang oil spill ay nagmula sa dalawang barko na naka-angkla sa pier o kaya mula sa RoRo na umalis dalawang oras matapos matuklasan ang mga nakalutang na langis sa karagatan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page