top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Oil price hike, non-stop — PISTON... P10 dagdag-pasahe sa jeep

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 22, 2026



TIgil-pasada - PISTON.jpg

Photo: PISTON / File



Nagprotesta ang transport group na PISTON sa harap ng isang gasolinahan sa East Avenue sa Quezon City nitong Martes upang aprubahan ang hiling nilang dagdag-pasahe.


May nakabinbing petisyon ang PISTON sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humihiling ng P10 dagdag sa kasalukuyang minimum na pasahe sa jeepney, na magtataas sa minimum fare mula P13 hanggang P23.


Ayon kay PISTON President Mody Floranda, nakabatay ang kanilang panukalang dagdag-pasahe sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


Ani Floranda, umaabot sa P1,850 kada araw ang lugi ng mga tsuper dahil lamang sa gastos sa krudo. Kailangan umano nilang kumita ng humigit-kumulang P4,600 kada araw upang mabayaran ang krudo at boundary.


Patuloy din umanong tumataas ang halaga ng mga piyesa ng sasakyan.

Muli ring nanawagan ang PISTON sa pamahalaan na ibasura o suspendihin ang Oil Deregulation Law, na anila'y isa sa mga dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page