top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

OGIE, PAYAG MAG-NINONG SA KASAL NINA JANINE AT PAULO SA TATE

BULGAR
Mar 16, 2022
3 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 16, 2022




Grabe ang pangangantiyaw na natanggap nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez mula sa entertainment press sa ginanap na online mediacon para sa OA sa Love in the USA concert tour top billed by Ogie Alcasid.


Guest ang PauNine sa nasabing US concert tour at talagang ginisa’t kinulit-kulit sila ng press. Maging si Ogie nga ay panay din ang tukso sa dalawa.


Napunta na nga ang usapan sa pagni-ninong ni Ogie sa dalawa kung sakaling magpakasal ang mga ito sa US. Aniya, of course ay willing na willing siya.


‘Yun nga lang, hindi talaga napaamin ang PauNine na may relasyon sila tulad ng napapabalita. Kahit iba-ibahin ang tanong, kahit ano pang pangungulit sa kanila, ang talagang lagi nilang iginigiit ay magkaibigan lang sila.


Ayon kay Paulo, may mga bago siyang gagawing projects ngayon kaya work daw ang kanyang pinagkakaabalahan. Pero may pasakalye naman siyang “Pupunta naman kami sa US, so we’ll see.”


Para kay Janine naman, basta happy siya na nakatrabaho niya si Paulo sa Marry Me, Marry You na first soap niya sa ABS-CBN at tinangkilik ng manonood ang kanilang tambalan.


Sey pa ni Janine, masaya rin siya na nagpatuloy pa ang communication nila ni Pau kahit tapos na ang kanilang serye.


Ang nakakatuwa, ayon kay Ogie ay nakaka-relate raw siya sa pagde-deny ng PauNine dahil sila man ni Regine Velasquez noon ay isinikreto rin at first ang kanilang relasyon.


“Hindi ko rin naman sila (PauNine) masisi kung gusto muna nilang sikretuhin ‘yan kasi ang sarap kaya nu’n na kayo lang ang nakakaalam, 'di ba?” sey ni Ogie habang panay ang tawa ni Paulo.


“So, naiintindihan ko ‘yun kung ganu’n ang sitwasyon. But at the same time, they keep us guessing which adds to the intrigue. Malay natin. Hindi natin talaga alam kung ano'ng nangyayari. Pero naiintindihan ko talaga,” dagdag pa ni Ogie.


So, may feeling din ba siya na sina Pau at Janine na?


“Ako, sa totoo lang, hindi ko alam. Pero alam kong may gusto sila sa isa’t isa. ‘Yun ang nararamdaman ko. ‘Yun ang pakiramdam ko. ‘Di ko alam kung tama ‘yung nararamdaman ko. Eh, ‘yun ang energy na nakukuha ko, eh,” sagot ni Ogie.


Samantala, sa naturang mediacon ay natanong na rin si Paulo kung dadalawin na rin ba niya ang anak niya kay LJ Reyes na si Aki sa New York kapag nagpunta sila ng US.


“Opo. Actually, na-mention ko na sa mommy niya. Tinatanong lang kung ano ‘yung dates pero 'andu’n na rin ako, might as well see my son. I haven’t seen him since they left,” sey ni Paulo.


Dagdag pa niya, “Excited na rin akong makausap ang anak ko kasi nag-i-school na rin du’n and everything.”


When asked kung isasama ba niya si Janine sa pagbisita kay Aki, ibinalik ni Paulo ang tanong sa aktres, “Gusto mong sumama sa New York?”


Pero nang seryosong tanungin ang aktres ng press, aniya ay hindi pa niya napagpaplanuhan ang mga activities niya sa US other than the concert.


Samantala, excited ang tatlo sa kanilang US concert tour especially Ogie dahil after two years ay muli siyang makakapag-live concert sa labas ng bansa.


Siyempre, dahil nasa pandemic pa rin tayo ay hindi raw mawawala ang pangamba or paranoia pero kailangan naman din daw nating mag-move-on sa ating mga buhay at siguraduhin na lang na maging maingat at all times at sundin ang mga health protocols.


Ang OA sa Love in the USA ay gaganapin sa mga following dates and venues: March 26 sa Alex Theater, Glendale; April 2 at the Sycuan Casino, San Diego; and April 3 at Moronggo Casino, Cabazon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page