top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

OGIE: KUNG AKO KAY CARLO, TRINA, 'DI KO IPAGPAPALIT KAY CHARLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2023
1 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 6, 2023




Sa Showbiz Update YouTube channel nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena ay nagkomento ang una tungkol sa mga larawan nina Carlo Aquino at Charlie Dizon na kumalat sa socmed.


Walang kumpirmasyon kung may relasyon ang dalawa pero ang maliwanag ay may pelikulang ipapalabas ngayong 2023 sina Carlo at Charlie na Love on a Budget handog ng ABS-CBN Films at Black Sheep.


Pero sabi ni Ogie, “Feeling ko, sila na, kasi tinutukso silang (Carlo at Charlie) dalawa.


Nangunguna si Jolina Magdangal, tapos 'di ba, si Dimples din na nakasama ni Charlie sa Viral Scandal?”


Ang katwiran kasi ni Ogie ay hindi naman manunukso ang mga kaibigan mo kung wala silang alam. Or hindi sila titigilan sa katutukso hanggang sa bumigay ang isa sa kanila.


Nabanggit naman ni Mama Loi na kaya pala nag-post ng mahaba ang ex-girlfriend ni Carlo na si Trina Candaza sabay pakita ng mga larawan sa video.


Pinuri ni Ogie si Trina, “Ang ganda, oh. Kung ako, hindi ko ipagpapalit ‘yan.”


Kami rin ay nagulat sa relasyong Carlo at Charlie at kung totoo nga ito, wala naman kaming karapatan para humusga.


Pero gusto namin ang sinabi ni Ogie na kung siya ang tatanungin ay hindi niya ipagpapalit ang nanay ng anak niyang si Mithi.


Akala pa naman namin ay okay na sina Carlo at Trina na on speaking terms na at nakakapunta na ang aktor sa loob ng bahay ng mag-ina niya na dati-rati ay hanggang pinto lang para ihatid ang anak.


Sana nga, promo lang ang Carlo at Charlie romance para sa pelikula nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page