OGIE, DEDMA LANG SA MGA BASHERS, REGINE, NAPIPIKON, TODO-PATOL
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 15, 2022

Para kay Asia’s Songbird Regine Velasquez, okay lang na siya na lang ang i-bash, huwag lang ang pamilya niya lalung-lalo na ang asawa niyang si Ogie Alcasid.
Nakausap namin ang mag-asawa last Wednesday night sa backstage habang ginaganap ang 13th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan ay pareho silang tumanggap ng award.
Isa nga sa mga napag-usapan sa panayam ay ang mga walang magawang bashers lalo na nga ang mga naghahangad na maghiwalay silang mag-asawa.
“Dapat, actually, hindi ko na pinapansin, pero… Kasi ‘pag ‘yung ako, ako ‘yung pipintasan or whatever, kung ako, parang I don’t really mind, I’m used to it. But kung ‘yung family ko, especially ‘yung asawa ko, nati-trigger ako,” simula ni Regine.
“I mean, don’t get me wrong, our relationship is not perfect. Wala namang relasyon na perfect, eh. Pero parang to wish that (ang maghiwalay) in a couple, para sa isang couple na… obviously we’re trying to work at our relationship, parang ang mean. It’s so mean,” dagdag niya.
Sa dami ng pinagdaraanan ng bansa, ani Songbird ay ito pa rin ang mentalidad ng ibang mga tao.
“Ang dami na nating pinagdaanan, my gosh! Ang daming nabawas sa atin, namatayan tayo, ang daming nawala sa atin, hanggang ngayon ba, ganu’n pa rin? Hindi pa ba tayo natuto?
“Hindi ba dapat, more than anything else, mas maganda if we try to encourage each other and support each other knowing that ang dami sa ating may pinagdaanan. Lahat tayo, depression, lahat, anxiety. Dinaanan natin lahat ‘yan.
“Hanggang ngayon, ganu’n pa rin tayo. Parang hindi tayo natuto. So, nakaka-sad,” she said.
Ayon naman kay Ogie, natatawa na lang siya sa mga bashers at tanggap niya raw na hindi lahat ng tao ay magugustuhan sila.
“That’s why, I tweeted something like ‘Keep the ones that care about you close to your heart because they matter.’ Kasi, 'pag binigyan mo ng energy ‘yung kanegahan, ikaw lang ‘yung napagod, eh, 'di ba?” sey ni Ogie.
Hirit naman ni Regine, “Ako, hindi ako napagod,” sabay tawa.
Sey pa ni Songbird, mabait lang daw talaga ang mister niya.
Samantala, si Ogie ang isa sa nagwaging Male Concert Performer of the Year para sa Kilabotitos concert. Ka-tie niya si Daniel Padilla para sa Apollo concert sa 13th PMPC Star Awards for Music na ginanap last Wednesday sa Newport Resorts World.
Si Regine naman ang nanalong Female Concert Performer of the Year para sa Unified concert nila ni Sarah Geronimo.





Comments