top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

OFWs na nabakunahan ng Sinovac, bawal sa EU at Saudi?

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 27, 2021



SANA MAMAMAYAN LANG ANG MAKINABANG SA P401-B ‘BAYANIHAN ACT 3’—Inaapura ngayon ng mga kongresista na maipasa ang P401 bilyon ‘Bayanihan Act 3’ na ang perang ito ay ipang-aayuda sa mamamayan.


Sana nga ay mamamayan lang makinabang at huwag mangyari na kalaunan ay malaman ng publiko na pati ang mga trapo (traditional politician) ay nagka-ayuda sa perang ‘yan ng bayan para magamit pangkampanya sa halalan kasi next year ay halalan 2022 na, boom!


◘◘◘


MGA OFWs NA NABAKUNAHAN NG SINOVAC, HINDI MAKAKAPASOK SA EU AT SAUDI?—May report, na ang papayagan lang daw na mga dayuhang makapasok sa mga bansang kasapi ng EU (European Union) at sa Saudi Arabia ay ‘yung mga nabakanuhan na ng AstraZeneca na gawang Europe, Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson na pawang gawang Amerika, at walang nabanggit tungkol sa mga nabakuhan ng Sinovac na gawang China.


Dapat linawin nina DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. at DOLE Sec. Silvestre Bello III ang tungkol sa isyung ito kasi baka ang mga OFWs na nandito sa Pilipinas na nabakunahan na ng Sinovac ay hindi makapasok sa mga bansang ‘yan, period!


◘◘◘


BUWISIT NA ANG TAUMBAYAN SA PAULIT-ULIT NA STATEMENT NI PANELO NA ‘DIGONG FOR VP’—Makalipas ang dalawang araw nang may manawagan na naman ng “Run Sara Run” bilang pagkumbinse kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidatong pangulo ay umepal na naman si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nagsabing hindi raw iniaalis ni P-Duterte na kumandidatong pangulo sa 2022 election.


Sa totoo lang, buwisit na ang taumbayan sa paulit-ulit na statement ni Panelo tungkol sa pagtakbong bise-presidente ni P-Duterte kasi mas gusto ng mamamayan na marinig kung kailan darating ang mga in-order na milyun-milyong bakunang pangontra sa virus, kaysa pag-usapan ang Digong for VP, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page