Obyus na mas close kay KC… GABBY, NO COMMENT SA PAGBUBUNTIS NI GARIE
- BULGAR
- Mar 19, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 19, 2023

Kalat na ang balitang buntis si Garie Concepcion, but until now, waley pang lumalabas na reaksiyon mula kay Gabby Concepcion.
Sinilip namin ang post sa Instagram ni Garie kung kailan in-announce ang kanyang condition ngayon, pero wala kaming nakitang comment o mensahe ng pagbati ni Gabby para sa kanyang second daughter courtesy of Grace Ibuna.
Unlike kapag ang panganay na anak ni Gabby na si KC Concepcion ang may post, may comment agad siya.
Actually, among his three “first” daughters, walang dudang pinaka-close siya kay KC. Mukhang si KC din kasi ang masipag mag-reach out kay Gabby.
May statement kasi noon si Gabby sa past interviews niya na dapat, ang mga anak niya ang mag-reach out sa kanya at hindi siya sa mga ito.
No wonder kung bakit ipinaampon na ni Jenny Syquia ang anak nila ni Gabby na si Cloie Skarne kaya iba ang surname na ginamit nito nu’ng maging Miss Universe-Sweden noong 2016.
Going back to Garie, inamin naman niya in her past interviews na mas close siya sa kanyang yumaong stepdad na si Iggy Arroyo. (So, it's a tie naman pala, char! — JDN)
But just the same, kahit man lang sa kasalukuyang kondisyon ni Garie, “nagpaka-ama” naman daw sana si Gabby sa kanyang anak, sey ng mga netizens.
Anyway, curious din ang mga netizens, dahil if ever ikasal si Garie sa ama ng anak niya na si Michael Pangilinan, maiiba ang surname niya.
“Same na sila ulit ng last name ni ses (KC) if ever.”
“Parang si KC lang.”
“Magiging pareho sila ng surname ni KC sa legal papers.”
‘Yan ay kung natuloy na “in-adopt” si KC ng kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta para maging Pangilinan.
Dati kasi, ang gamit na surname ni KC ay ‘di Concepcion, bago pa man ikinasal si Sharon kay former Senator Kiko Pangilinan. Naging Cuneta na yata si KC dahil na rin sa mga magulang ni Mega na sina former Mayor Pablo Cuneta at Elaine Gamboa na nagpalaki sa kanya.
At any rate, mapa-Cuneta, Concepcion o Pangilinan pa man ‘yan, mabubura na rin once ikasal si KC sa kanyang Fil-Swiss boyfriend ngayon na si Steve Michael Wuetrich.




789f là nền tảng giải tr