top of page
Search
  • BULGAR

Obyus na happy na uli… JERIC, GAME NANG MAKA-FACE-TO-FACE ANG EX NA SI RABIYA

ni Nitz Miralles - @Bida | July 30, 2022




Ready na raw si Jeric Gonzales na makita ang ex na si Rabiya Mateo mamayang gabi sa GMA Thanksgiving Gala. Looking forward na nga raw siya na makita si Rabiya at babatiin niya ito ng “Hi.” Mag-hello naman kaya si Rabiya?


Sa interview kay Jeric sa 24-Oras, natanong din ang aktor kung sino ang kanyang date mamayang gabi.


“Abangan na lang kung sino,” ang sagot ni Jeric na agad sinundan ang sagot ng “Ang mga makakasama ko ay ang cast ng Start-Up Ph.”


Naging close raw silang buong cast at nagpasalamat siya sa kanilang suporta at inalalayan siya sa kanyang mga eksena, lalo na siguro noong bago pa lang ang breakup nila ni Rabiya kung saan nanahimik siya at hindi nagsalita.


Masaya si Jeric sa interview sa kanya at bagay ang ayos ng buhok. Sisiguraduhin daw niyang dapper ang kanyang look mamayang gabi kahit wala siyang date.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page