top of page

Obyus din daw ang yabang… ALVIN, KINOKONTROL DAW SI IZZY, FANS TURNED-OFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | February 17, 2026



LET’S SEE - ALVIN, KINOKONTROL DAW SI IZZY, FANS TURNED-OFF_IG _izzytrazona_aragon

Photo: IG _izzytrazona_aragon



“That’s their belief. Their own comprehension of their religion. Basta ‘wag lang maging pushy o conventional na sila lang ‘yung tama at maliligtas, okey na ‘yun,” reaction ng mga Sexbomb fans na na-turn-off nga raw sa mga pahayag ni Alvin Aragon, ang asawa ngayon ni Sexbomb Izzy Trazona.


Matapos kasing lumabas ang feature story ng mga ‘batang pinalaki’ ng Sexbomb sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) show, nagkaroon din ng tila debate sa first-born ni Izzy na isa ngang transwoman at sa relasyon nito sa nanay niya.


Si Alvin kasi ang itinuturong rason kung bakit humiwalay na raw sa mama niya si Sofia (dating Andrei). Putok pa rin ‘yung pagbibintang na very controlling umano ang dating aktor at sobra nga raw nitong ginagamit ang new-found faith and religious practice nila sa mga usapin sa showbiz, etc..


Kahit sa naging pagpapa-interview nito sa show ni Kuya Boy Abunda ay pinintasan at hinanapan ng butas ng netizen ang tila mga mannerisms nito at tila ‘kayabangan’ umano at pagiging outrageous kung kaya’t nakokontrol nito ang dating sikat na Sexbomb member.


Well, nagsalita na si Alvin na mismong si Izzy ang naka-discover kay God at sumunod lang ito sa utos nitong maging ‘mangingisda’ ng mga taong naniniwala sa Diyos, kaya’t tinalikuran na nito ang showbiz.


‘Yun nga lang, nang dahil sa minsang pagpapakita ni Izzy na tila Born Again siya nang sumikat muli ang grupong Sexbomb (na soon ay dadayo sa iba’t ibang bansa for shows), ‘yun nga at hindi rin nila naiwasan ang maintriga at paratangan sila ng kung anu-ano.



TAWANG-TAWA naman kami (though na-worry) sa ipinapanood sa aming podcast reel kung saan guest sina Direk Andoy Ranay, ang baby Elijah Canlas namin at si Romnick Sarmenta. 


Obviously, para yata iyon sa promo ng stage play version ng highly-acclaimed movie nilang About Us But Not About Us (AUBNAU).


Hindi namin alam kung si Direk Andoy ang direktor ng stage version pero naloka kami sa naging sharing nila ng ilang stories about their previous projects.


Sa pa-blind item kuwento ni Elijah, natawa kami sa naging co-star niyang ‘bida-bida’ na gusto raw lagyan ng eksenang tuturuan siyang manigarilyo kahit wala naman ito sa script at ang karakter niya sa series ay isang minor pa.


Nang ini-refer nga raw niya kay Direk Andoy na siyang direktor nu’ng series, hinayaan lang ito ni direk dahil sey nito, “Okey lang, ‘di ko naman s’ya binigyan ng close-up shot.”


Bongga ang timing ng delivery ng kuwento ni Elijah, matatawa ka talaga. Ganoon siya kanatural na aktor. 


Pero nag-worry kami nang si Direk Andoy na ‘yung nagkuwento dahil may kinalaman na nga sa mga naging artista niya na ‘produkto’ lamang ng hype at studio system pero ginawang bida o major part ng series.


Although pa-blind item niya itong ginawa, lumabas pa ring ‘off’ sa mga nakapanood dahil siya nga naman ang direktor ng series. 


Mas katanggap-tanggap pa raw kung pinangalanan na lang niya, kesa ginawang katatawanan sa tsismisan.


Iba kasi kapag ang direktor na ang nagtsitsismis, ‘noh! Tama ba kami Mareng Ateng Janiz at mga Ka-BULGAR? (Kung pinangalanan niya, malamang, that’s the end of his career na. Hahaha!)



MARAMI naman ang naniniwala na mukhang naapektuhan umano si Pareng Ogie Alcasid sa mga bashing ng mga Rufa Mae Quinto supporters sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) show.


Talagang ‘one point’ lang ang ibinigay nitong score kay Rufa Mae na ayon sa mga fans nito ay nagtagumpay na maging seryoso sa pagkanta at iparinig ang maganda nitong boses pala via Kitchie Nadal song/impersonation.


“She deserves a higher score,” sigaw ng mga fans ni Rufa Mae. 


Pero mukhang may something din daw yata sa naging pagbibigay ng scores ng dalawa pang judges na sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano, dahil ultimo raw ang laging consistent na magaling (at ilang beses nang naging winners) na tandem nina Marielle Montellano at JM dela Cerna ay binigyan din ng second lowest score.


Again, show po ‘yan at may karapatan ang mga judges na magbigay ng low o high score sa gusto nilang performers. 


Kung naapektuhan sila ng bashing, ‘yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page