top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 25, 2026



Rochelle Pangilinan

Photo: Rochelle Pangilinan



Inamin ni Rochelle Pangilinan na sobrang fan pala ng BINI ang anak nila ni Art Solinap na si Shiloh. At ito nga raw ang dahilan kung bakit talagang ipinursige niya na ituloy ang reunion concert ng SexBomb.


Sey ng leader ng SexBomb Dancers sa kanyang panayam kay Karen Davila, “Sa totoo lang, ‘yung anak namin ang isa sa mga dahilan kung bakit isa ako sa mga nag-push ng concert. Kasi sobrang fan si Shiloh ng isang girl group.”


Tinanong ni Karen kung ano’ng girl group at sey naman ni Rochelle ay BINI. Kuwento ng aktres-dancer, kinakanta raw ni Shiloh ang mga kanta ng BINI.


“Tapos sabi ko… nagyabang ako, ‘You know what, ‘Nak? Ako ang leader dati. I’m the leader before ng isang girl group, which is Sexbomb Girls,’”  ani Rochelle.


At naloka siya sa sagot ng kanyang anak.

“You will never be BINI, Mom,” sey daw ni Shiloh.


Nanlaki raw ang mata ni Rochelle at nanggigil siya sa anak.

“Nanggigil talaga ako, Madam. Nangilid-luha talaga ako. Tinawag ko si Art, ‘Be, halika dito!


Sabihin mo r’yan! Ako ang leader ng Sexbomb. Sabihin mo!’” kuwento pa ni Rochelle.

Kaya naman masasabi niyang ang BINI ang isa sa mga talagang nag-inspire para ituloy nila ang reunion concert, para ipakita sa anak niya na dati talaga silang sikat na girl group.


Sa round one ng concert, napanood sila ni Shiloh at nakita niyang proud na proud ang anak sa kanya.


“Talon s’ya nang talon buong gabi at ramdam na ramdam ko na proud na proud s’ya, at ipinost ko talaga s’ya,” ani Rochelle.


Napaiyak pa raw siya dahil sa sobrang touched. 


Tila nahiya raw si Shiloh kaya Sexbomb na lang daw ang pinakikinggan niyang music, pero sinabihan niya ito na okay lang sa kanya kung may gusto itong ibang grupo.



INALMAHAN ng veteran anchor-broadcaster na si Mel Tiangco ang mga lumalabas na balita sa social media hinggil sa umano’y pang-iinsulto niya sa tennis star na si Alex Eala.


Kumalat kasi sa social media ang isang quotation na pinalalabas na galing sa kanya at nilalait ang atleta.

Narito ang nakasaad sa viral post:


“Don’t claim it’s for this country — you’re nothing but a despicable, selfish person.”

Marami ang naloka sa nasabing post at ang iba’y nagalit kay Mel. Ang iba naman ay takang-taka kung bakit nakapagsalita nang ganoon ang 24 Oras anchor.


Last Friday, bago matapos ang 24 Oras ay nagbigay ng pahayag si Mel at nilinaw na fake news ito.


“Naku, eh, baka po sakaling nakita n’yo ‘yung mga pekeng post na ininsulto ko raw si Philippine tennis star Alex Eala. Naku, tahasan ko pong sasabihin, fake po ang mga posts na ‘yan,” saad ng news anchor.


“Sabi pa nga sa pekeng posts, eh, sumagot pa raw si Eala gamit ang mga maanghang na salita. Uulitin ko po, fake news po ‘yan,” dagdag pa niya.

Diin niya, “Wala po akong sinabing anumang negatibo laban kay Alex. ‘Di ko rin s’ya ininsulto kailanman.”


Aniya pa, “Bagkus, ipinagbubunyi ko s’ya at ipinagdarasal pa.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 2, 2021



Nanganak na ang dating Sexbomb dancer na si Jopay Paguia-Zamora sa ikalawang anak nila ng asawang si Joshua Zamora. Ipinost ni Joshua sa kanyang Instagram account ngayong Linggo nang umaga ang series of photos ni Jopay at ng baby na kuha sa ospital.


Caption ni Joshua, “There are no words that can describe the euphoria you feel when your baby recognizes you for the first time and smiles.” Pinangalanan nilang Izabella Ariana P. Zamora ang second child nila ni Jopay at mensahe pa ni Joshua sa kanyang misis, “Thank you Babas, grabe lang the pain you went through @jopaypaguiazamora.


Praying for your fast recovery. I love you so much.” Ipinost din ni Jopay sa kanyang Instagram account ang picture ng eldest nilang si Alessa katabi ng photo ni Izabella.


Sey ni Jopay, “Good morning to our two precious princesses. You came to fulfill my life and you did it in the most perfect way. "I am proud to be the mother of such 2 beautiful daughters. Mommy and Daddy is always here with you. And we love you so much.”


Samantala, noong Pebrero inianunsiyo ng dalawa sa vlog na buntis si Jopay sa ikalawang anak nila ni Joshua.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page