top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Obyus daw, singsing, ayaw ipakita… PIA, ITINATAGO NA ENGAGED NA SILA NI JEREMY

BULGAR
Apr 13, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 13, 2022



Tamang hinala ang mga netizens na engaged na si 2018 Miss Universe Pia Wurtzbach sa boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.


Knows n'yo naman na mahusay magtagni-tagni ng conclusion ang mga netizens kapag may bagong post ang mga celebrities na kahina-hinala sa kani-kanilang social media accounts, gaya ng separate posts sa Instagram nina Pia at Jeremy.


Nagduda agad ang mga netizens na may itinatago sa kanyang daliri si Pia sa dalawang larawan na ipinost niya sa kanyang IG.


Obvious daw kasi ang pagtakip at pagtatago ni Pia ng kanyang mga kamay sa dalawang litrato na kuha sa special dinner nila ni Jeremy.


Kuha rin ng mga netizens ang ibig sabihin ng inilagay na caption nina Pia at Jeremy sa separate IG stories nila.


“Parang may itinatago ka, Queen P. (engagement ring emoji)"


“Queen P is hiding her left hand/fingers!!!! (Engagement ring emoji) na ba????"


“Alam na! Feel ko, nag-propose na nu'ng mag-post sa story si Pia ng 'Happiest Day Ever', tapos nag-post na naman si Jeremy ng “celebration something…” Anyway, if it is, I'm sooo happy for our Queen."


Kung may happy, may “nagtataas din ng kilay” sa balitang engagement nina Pia at Jeremy.


“'Di naman siguro ikapagtataka ng tao na ma-engaged na sila. Let them live their life! 'Wag na lang pansinin kasi sila rin ang mag-a-announce niyan.”


Duda naman ng iba, may matinding dahilan kung bakit ‘di agad ma-announce officially nina Pia at Jeremy ang diumano’y engagement nila.


“Baka may existing contract pa. 'Di pa puwedeng ma-engaged.”


Puwede?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page