top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Obligasyon ng negosyante sa produktong “generic thing” sakaling ito’y maaksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 13, 2021
2 min read

habang idine-deliver.


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 13, 2021



Dear Chief Acosta,

Bumili ako sa aking kaibigan ng limang sako ng lupang pananim at binayaran ko ang mga ito nang buo. Nang idi-deliver na niya ang mga ito sa akin, nadisgrasya ang trak na may dala nito at nasama ang mga lupang pananim sa pagkasunog ng sasakyan. Tumanggi nang palitan ng nagbenta ang aking binili at sinabi niyang wala na diumano siyang obligasyon tungkol dito dahil nagkaroon ng aksidente ang trak na nagdadala nito at hindi naman diumano niya ito kasalanan. Tama ba siya? – Feena


Dear Feena,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Article 1263 ng New Civil Code of the Philippines. Ayon sa nasabing batas:


“Art. 1263. In an obligation to deliver a generic thing, the loss or destruction of anything of the same kind does not extinguish the obligation.(n)”


Sa inyong sitwasyon, ang isang sako ng lupang pananim ay maituturing na generic thing. Sa madaling salita, maaari itong mapalitan ng kahit na ganun ding bagay at ang pagkawala nito sanhi ng aksidente ay hindi masasabing katapusan na ng obligasyon na mai-deliver ito. Ang iba pang halimbawa ng generic thing ay ang basyo ng tubig, ream ng papel, o kilo ng ubas, kung saan hindi takda ang hitsura at uri o pinagmulan nito, at maaaring mapalitan ito kung sakaling biglaang mawala sanhi ng aksidente bago pa man ito mai-deliver. Samakatwid, nananatili pa rin ang obligasyon ng inyong kaibigan na ibigay sa inyo ang limang sako ng lupang pananim dahil ito ay nabayaran na ninyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page