Obligasyon ng employer na iparehistro sa Bgy. ang kasambahay
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 25, 2022
Dear Chief Acosta,
Ayaw nang bumalik ng aking kamag-anak kaya kumuha ako ng kasambahay. Humiling ang aking kasambahay na iparehistro ang kanyang trabaho sa aming barangay dahil sa karanasan niya sa kanyang larangan. Hindi ko kailanman ginawa iyon sa dati kong mga katulong, kaya nais kong malaman kung obligasyon kong iparehistro sa barangay ang aking kasambahay. – Alvares
Dear Alvares,
Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section17, Article III, ng Republic Act (R.A.) No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay”, na nagsasaad na:
“Section 17. Employer’s Reportorial Duties. – The employers shall register all domestic workers under their employment in the Registry of Domestic Workers in the barangay where the employer’s residence is located. The Department of Interior and Local Government (DILG) shall, in coordination with the DOLE, formulate a registration system for this purpose.”
(Binigyang-diin)
Malinaw na nakasaad sa batas na obligasyon ninyo bilang amo na irehistro ang inyong kasambahay sa Registry of Domestic Workers ng barangay kung saan kayo nakatira.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments