top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Obiena naka-gold, hari pa rin ng Asian Games men's pole vault

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by MC @Sports News | September 30, 2026



Nasungkit ni EJ Obiena ng kanyang pangalawang sunod na gintong medalya sa Asian Games men's pole vault upang maihatid ang ikatlong ginto ng Pilipinas sa Aichi-Nagoya.

Photo: Nasungkit ni EJ Obiena ng kanyang pangalawang sunod na gintong medalya sa Asian Games men's pole vault upang maihatid ang ikatlong ginto ng Pilipinas sa Aichi-Nagoya. (pocmedia)



Matagumpay na naipagtanggol ni Ernest John "EJ" Obiena ang kanyang titulo sa men's pole vault sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan na naghatid ng ikatlong gintong medalya ng Pilipinas sa quadrennial games.


Ang tagumpay ay nagbigay kay Obiena ng magkasunod na gintong medalya sa Asian Games, matapos ang unang gold sa Hangzhou 2023.


Muling umangat ang defending champion sa kompetisyon nang malundag ang 5.91m at maitala ang bagong rekord sa Asian Games at winasak ang sariling 5.90m na marka mula sa Hangzhou.


Nakuha na ni Obiena ang ginto sa kanyang 5.75m clearance bago pa tumaas ang lundag at muling nagtala ng rekord.


Hawak din niya ang rekord sa Asya na 6.00 metro. Ang Pilipinas ay may 3 nang gintong medalya, 3 pilak at 12 tanso para sa kabuuang 18 medalya hanggang alas-8 ng gabi, Martes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page