top of page
TEKA NGA - MANONG CHAVIT, UMAMING NAUUBOS ANG DATUNG SA MGA BEAUTY QUEENS-FB Luis Chavit S

2nd bronze nakuha ng SIBOL sa Honor of Kings

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 29, 2026



Sibol Pilipinas sa Honor of Kings mobile game

Photo: Ika-9 na tansong medalya ang nasungkit ng Esports team ng Pilipinas na Sibol sa larong Honor of Kings sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan. (pocmedia)



Sinungkit ng SIBOL Esports ang ika-2 tansong medalyang ambag para sa kabuuang 10 ng 'Pinas matapos mabigo sa powerhouse na China sa Honor of Kings sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 na ginanap sa Aichi Expo Sky Expo Hall D sa Tokoname City, Japan.


Binubuo ang Filipino squad ng kambal na sina Golden at Dragon Dajao, kasama sina Justine Tan, Charles Esguerra, at Chammy Nazarrea, sa gabay ni Coach Gerald Gelacio. Kasunod ng naunang bronze medal nitong Linggo ng gabi para sa Pokémon UNITE team.


Nagawang makausad sa semifinals ng SIBOL Esports sa Honor of Kings matapos sibakin ang Kazakhstan sa 2-0 sa Group B match, ngunit nabigo sa Malaysia sa 1-2 sa sumunod na laro.


Subalit nalampasan naman ng SIBOL ang South Korea sa quarterfinals sa 2-0 upang makatapat ang China sa semis. Patuloy na sumasabak ang SIBOL sa asymmetrical survival game na Identity V – Asian Games version, habang sisimulan ng koponan ang misyon sa MLBB laban sa Jordan habang gaganapin ang quarterfinals at semifinals ng Miyerkules, samantalang ang Finals ay sa Huwebes ng 1 p.m.


Dahil sa dagdag medalya umangat ang bilang ng medalya ng Pilipinas sa 13 mula sa 2 ginto, 2 pilak at 10 na tanso para sa 16th spot sa medal tally.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page