top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Sepak takraw women’s doubles, silver sa Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

by MC @Sports News | September 29, 2026



Ang sepak takraw women's doubles na naka-silver medal sa Nagoya Asian Games habang gold medalist ang Vietnam. (pocmedia)

Photo: Ang sepak takraw women's doubles na naka-silver medal sa Nagoya Asian Games habang gold medalist ang Vietnam. (pocmedia)



Nakamit ng koponan ng sepak takraw women’s doubles ang pilak nang mabigo sa Vietnam, 15-8, 15-4 para sa gintong medalya ng Aichi-Nagoya 2026 Asian Games kahapon sa Mizuho Park Gymnasium.


Nahirapan sina Abegail Sinogbuhan, Jean Marie Sucalit at ang substitute na si Nelly Jay Saron na pantayan ang bilis ng Vietnam nang makuha nina Nguyen Thi Thu Trang, Nguyen Thi Khanh Ly at Le Thi Hong Lien ang kontrol sa finals.


Sa kabila ng pagkabigo sa gintong medalya, gumawa pa rin ng kasaysayan ang trio ng Pilipinas sa paghahatid ng pinakamahusay na pagtatapos ng bansa sa sepak takraw sa Asian Games.


Bitbit nila sa finals ang 2-1 record sa Group B, kung saan tinalo ng Pilipinas ang host Japan at India bago natalo sa South Korea. Nakuha ng koponan ang makasaysayang puwesto sa final matapos walisin ang Laos, 15-12, 15-10, sa semis.


"Mixed emotions po kasi hindi talaga namin ine-expect na makaka-abot kami sa finals. Talagang hiniling namin kay Lord na sana this Asian Games makakuha kami ng medalya kahit anong kulay. Pero natapos po itong doubles event namin, binigay sa amin ni Lord itong silver medal. Sobrang sarap sa pakiramdam," ani Philippine sepak takraw team captain Abegail Sinogbuhan.


"Sobrang nag flashback lahat 'yung pagod, failures namin sa mga nakaraang competition. Yung feeling na ang sakit sa part namin na tuwing uuwi kami ng Pilipinas, wala kaming dalang medalya.


Ngayon awa ng diyos may dala na kami. Silver pa," ayon kay Jean Marie Sucalit. Bukod sa pilak, naunang naka-bronze ang men’s regu team. Ang medalya ay pangatlong pilak ng Pilipinas sa Palaro, kasama ang pilak ni Jean Claude Saclag sa men's traditional 65kg MMA at Gilas Pilipinas Women's U-23 3x3.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page